Ronnie Alonte on replying to bashers: "Sasagutin ko hangga't tama ako."

IMAGE Instagram

Ronnie Alonte says he is not afraid to put his bashers in their place. He told PEP.ph, "Pag may nambash at below the belt na ang pagsasalita, sasagot at sasagot ako, kasi ako ito. Di ako matatakot na sumagot sa kanila."


Kamakailan ay binura ng Kapamilya actor na si Ronnie Alonte sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ng mga dati niyang kaparehang sina Julia Barretto at Sue Ramirez. 

Tanging mga larawan nila ng bagong kapareha at nababalitang girlfriend na si Loisa Andalio ang nananatiling naka-post sa kanyang social media account. 

Dahil dito ay inulan ng pamba-bash si Ronnie mula sa RonLia o Ronnie-Julia fans, gayundin mula sa SueNie o Sue-Ronnie fans.

Hindi naman naiwasang makipagsagutan ng Hashtags member sa bashers para depensahan ang sarili at si Loisa sa mga below-the-belt na tirada sa kanila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ronnie noong Lingg, Pebrero 4, sa set ng ASAP. Dito ay ipinaliwanag niya ang kanyang panig ukol sa isyu.

“Na-explain ko na, nag-IG story ako about do'n,” panimula ni Ronnie tungkol sa pagbubura niya ng mga litrato.

“Alam ko naman na may SueNie, may RonLia dati. 

“Pero siyempre sila may kanya-kanya na silang loveteam, sila Arjo and Joshua.

“Masaya na sila sa ka-loveteam nila, pero mas binabalik pa nila [mga litrato] sa akin lahat yung mga pagsasama namin dati.

“Sa totoo lang di siya magandang talaga sa mata ng mga tao, sa mata ng mga fans namin na nakakasakit naman talaga.”

Patuloy ng binata, “Sa akin trinay ko lang burahin para malaman nila na may Loisa na na binu-build sa amin, na may katrabaho akong bago na huwag niyo nang i-bash.

“Yung RonLia and SuNie, may Ron and may Nie naman kayong sinusuportahan, dalawa yun.

“Kung saan masaya ang idol ninyo, suportahan ninyo, huwag ninyong i-bash.

“Dapat suportahan nila ako, kasi support naman ako kila Sue, kila Julia, masaya ako for them.

“Pag ako, masama, bawal. Pag sila, puwede? Di puwede yun.”

Ayon pa kay Ronnie, walang problema pareho kina Sue at Julia ang ginawa niyang pagbura sa mga litrato nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagtatakhan din niya na noong siya ang napareha sa iba ay big deal ito para sa ibang mga tagahanga.

“E, ako naman, gusto kong makita nila sa profile ko na si Loisa ang pinu-post ko.

“And wala silang choice kundi si Loisa ang makikita nila, wala silang magagawa kundi suportahan ang love team namin.

“Kami, kaming dalawa na, e.

“Hindi naman ako naging gago sa mga fans ko, hanggang ngayon, mahal ko pa rin sila.

“Saka wala namang issue kay Sue, okay naman kay Julia, kasi masaya sila.

“Bakit sa akin ibinabato lahat? Yun lang sa akin.

“Sana tanggapin na lang nila kung ano ang mayroon kami ngayon, e, di mas masaya.

“Huwag nang mang-bash, kung may mang-bash mang ibang tao diyan, wala na kaming pakialam.”

ANSWERING BASHERS. Kuwento nga ni Ronnie, may ilang bashers na nagtatago pa sa larawan ng kanilang mga iniidolong artista.

Kung ang ibang mga artista ay takot sumagot sa bashers, para kay Ronnie ay iba siya dahil hindi siya nagpapatali sa imahe at sasabihin ng ibang tao.

“Sinagot ko silang lahat.

“Sumagot na ako ng ibang tao.

“Minsan gamit pa nila ang dp [default picture] ng idol nila kung sinuman.

“Sinasabi nila, 'Ronnie, ganyan-ganyan,' mga below the belt na.

“Sabi ko, 'Mahiya ka sa iniidolo mo, namba-bash ka gamit ang profile pic ng idol mo. Masama yun, di maganda yun.'

“Yun lang naman, magandang salita para sa kanila, di nakakabastos na salita, sinagot ko na.”

Patuloy ni Ronnie, “Unang-una sa lahat, maraming artista ang takot kumilos at sumagot sa mga tao dahil sa inaalagaan nila ang image nila.

“Ako, hindi, wala akong pakialam.

“Sasagutin ko hangga’t tama ako.

“Ipagtatanggol ko hangga’t may nadedehado lalo na pagdating sa family ko, kay Loisa.

“Pag may nambash at below the belt na ang pagsasalita, sasagot at sasagot ako kasi ako ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ako matatakot na sumagot sa kanila, sasabihin ko kung ano ang nararamdaman ko kasi yun ang tama.

“Mas takot ako na mawala ang Diyos at ang pamilya ko at mga solid sa akin, kaysa sa inyong mga bashers.

“Pag below the belt, sasagutin ko talaga, di ako natatakot.”

PROJECTS WITH LOISA. Sa isang banda, excited naman si Ronnie sa current project nila ni Loisa.

Magkapareha sila sa Wansapanataym Presents: Gelli in A Bottle na nagsimula noong February 4. 

Ayon pa kay Ronnie, isang serye at pelikula rin ang nakalinya nilang gawin ni Loisa.

Masaya rin ang aktor dahil ngayon ay mas natural na ang chemistry nila ng kapareha.

“Masaya, sobrang happy kasi magaan na yung trabaho, hindi na mahirap.

“Di mo kailangang ulit gumawa ng chemistry kasi magka-close na kami dalawa, magkakilala na kami.

“Hindi na mahirap ipeke yung mata mo, yung nararamdaman mo sa isang tao at sobrang gaan.

“After nitong Wansa, gagawa kami ng serye muna, tapos kasabay na rin daw yung shoot ng pelikula.”

REAL SCORE. Kinumusta ng PEP.ph kay Ronnie kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Loisa dahil sa ibang posts ng aktres sa IG account nito ay tinatawag niya si Ronnie na “Baby.”

Saad ng young actor, “Masaya kaming dalawa, okay kami sa isa’t isa, walang ilangan sa aming dalawa.

“Masaya kami na magkatrabaho. 

“Baby? Siguro ipinapakita lang namin ang totoong nararamdaman namin, pero wala pa kami sa puntong inaakala nila.

“Kasi kami, sobrang dikit, kumbaga sa lalaki, si Jon Lucas siya.”

Si Jon Lucas ay kasama ni Ronnie sa grupong Hashtags at malapit na kaibigan nito.

Ano ang plano nila ni Loisa sa darating na Valentine’s Day? May regalo na ba siya para kay Loisa?

Ani Ronnie, “Kung wala siyang taping baka lumabas kami.

“Gift? Sa totoo lang, punung-puno na ng regalo ang binigay ko sa kanya, dadagdagan ko pa ng marami pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN