Carlo Aquino asks basher to stop posting malicious comment against Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya actor Carlo Aquino (left) confirms via Twitter that he sent private messages to a netizen who bashed Kapuso star Maine Mendoza (right).


Lumikha ng ingay ang pakikipag-selfie ng Kapuso star na si Maine Mendoza sa Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

Naganap ang selfie moment ng dalawang artista sa premiere ng bagong pelikula ni Carlo, ang Meet Me In St. Gallen, noong Lunes, February 6.

Dumating ang Eat Bulaga! host para suportahan ang direktor ng pelikula na si Irene Villamayor, na direktor din ni Maine sa teleserye nila ni Alden Richards na Destined To Be Yours (2017).

Nagkaroon ng pagkakataon sina Maine at Carlo na magkakilala sa naturang event, at nagkuhanan pa nga ng selfie.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza fangirls over Carlo Aquino
Maine Mendoza fangirls over Carlo Aquino

Umani ng papuri sa maraming netizens ang pagpapaka-"fangirl" ni Maine sa dating child actor.

Ngunit may ilan ding tila hindi natuwa rito.

Nitong Huwebes, February 8, ni-retweet ng netizen na si @ZCargel ang screenshoot ng palitan ng mensahe sa pagitan ni Carlo at ng isang basher (@rodoraledesmas), na nagpakawala ng maaanghang na salita laban kay Maine.

Sa screenshot, mababasa ang Instagram comment ni @rodoraledesmas na: “pati si Carlo natakot sa kamanyakan mo Maine.”

Sumunod dito ay ang private messages ni Carlo sa basher, na nakiusap na huwag manira sa kanyang feed.

Sagot ni @rodoraledesmas, hindi siya basher at dati raw siyang fan ni Maine.

Sinabihan din niya si Carlo na mag-ingat kay Maine.

Sumagot ang 32-anyos na aktor na muling nakiusap na huwag manira ng tao sa kanyang feed.

Tinanong naman ni @ZCargel ang aktor kung totoong nakipagpalitan siya ng mensahe sa basher.

Kinumpirma ni Carlo na siya nga ang nag-message sa netizen.

Tweet ng Kapamilya actor, “Nakiusap lang ako na huwag siyang manira ng mga tao sa feed ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN