Luis Manzano reacts to Jessy Mendiola's bridal shoot

IMAGE Instagram photo of Jessy Mendiola

Luis Manzano on Jessy Mendiola's bridal shoot: "Soon po"


Malapit na bang mangyari ang paulit-ulit na tanong tungkol sa pagpapakasal nina Luis Manzano at Jessy Mendiola?

Mapagkakamalang isang bride ang 25-year-old actress sa kanyang Instagram post kanina, February 10.

Kapansin-pansin pa ang wedding ring na suot niya, na tamang-tama sa tema ng photoshoot para sa isang endorsement.

Sa comment ay makikitang sinabi ni Luis: “Soon po”


Hindi malinaw kung ang tinutukoy ni Luis ay ang kasal o ang paglabas ng official photo ng ginawang bridal shoot ni Jessy.

Gayunman, marami pa rin ang kinilig sa sinabi ng 36-year-old TV host-actor sa larawan ng kanyang girlfriend.




Bagamat wala pang tiyak na plano, palaging sinasabi ng magkasintahang napag-uusapan na rin nila ang kasal.

Sa katunayan, sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy, sinabi nitong handang-handa na si Luis para rito, ngunit siya ay hindi.

“Parang alam niya na I want to do so much more.

“I want to achieve so much more before I settle down.

“Parang I wanna show myself, I want to prove to myself na I can achieve more,” sabi ng aktres.


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola says BF Luis Manzano is ready to get married
Jessy Mendiola says BF Luis Manzano is ready to get married


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN