Angel Locsin finally admits real score with Neil Arce

IMAGE @neil_arce on Instagram

Angel Locsin finally confirms relationship with Neil Arce: "Ever since naman open ako sa inyo. Di pa talaga namin alam kung ano yung label, pero ngayon mayroon na kaming label. Yes, we're together. Nahihirapan na ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something. Itong month na ito, itong month na ito lang."


Sa katatapos na FDCP Film Amabassadors Night 2018 na ginanap nitong nakaraang Biyernes, February 9, sa Sampaguita Gardens, Quezon City, ay inamin na ni Angel Locsin ang estado ng relasyon nila ni Neil Arce.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angel, sinabi niyang ngayong buwan lang talaga naging pormal ang kanilang relasyon.

"Ever since naman open ako sa inyo.

“Di pa talaga namin alam kung ano yung label, pero ngayon mayroon na kaming label.

“Yes, we're together.

“Nahihirapan na ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something.

"Itong month na ito, itong month na ito lang."

V-DAY PLANS. Biniro namin si Angel na mukhang humabol pa sila ng boyfriend sa selebrasyon ng paparating na Valentine's Day.

Dahil dito ay tinanong na rin namin siya kung ano ang balak nila sa espesyal na araw na ito para sa may mga karelasyon.

Paglinaw niya, "Di talaga ako yung tipong nagse-celebrate ng Valentine's.

“Mas siya yung nagse-celebrate.

“Mayroon daw siyang hinanda, siguro dinner lang.

“Try naming di Valentine's Day kasi traffic."

LONG-TIME FRIENDS. Kinumusta rin namin si Angel kung anong klaseng boyfriend si Neil.

Lahad niya, "Wala akong masasabi kasi we've been friends for seven years.

“Para lang kaming magbarkada lang."

Dahil malalim ang pundasyon nila bilang magkaibigan, hindi naman itinanggi ni Angel ang posibilidad na maaaring ai Neil na ang maaari niyang makatuluyan at makasama habang-buhay.

Sabi niya, "Ayokong magsalita pero di naman namin ito gagawin kung di namin nakikita na, 'Ah, okay itong taong ito.'

“Pero right now we are taking our time.

“Siguro sobrang take our time, ganun, pero sobrang ini-enjoy pa lang namin.

“I'm just happy na nandiyan siya sa tabi ko."

FAMILY-APPROVED. Masaya din si Angel dahil boto at tanggap din ng pamilya niya ang bagong kasintahan lalo't matagal na niyang kaibigan si Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol pa niya, "Mabait naman si Daddy and matagal na niyang kilala si Neil, and he [Neil] knows kung gaano ka-importante ang family sa akin kaya binibigyan niya talaga ng halaga yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN