Ellen Adarna shuts down netizen: "Hindi kita kilala."

IMAGE Courtesy: @johnlloydcruz on Instagram

Hindi napigilan ni Ellen Adarna sagutin ang isang netizen na nagsasabing magka-text daw sila ng aktres. Samantala, nag-post naman si John Lloyd Cruz ng throwback photo nila ni Ellen habang ini-enjoy ang kanilang bakasyon.


“Triggered” si Ellen Adarna sa isang nagkomento sa kanyang Instagram post nitong nakaraang Sabado, February 10.

Walang caption ang post ni Ellen na larawan ng isang magandang tanawin na tila kuha sa Palawan, kung saan kasalukuyang nagbabakasyon ang sexy star kasama ang nobyong si John Lloyd Cruz.

Isang follower ni Ellen na may handle name na @pasilboy ang nagkomento, sa wikang Bisaya, tungkol sa hindi niya pagsagot umano sa text ng sexy star dahil nakatulog siya.

Sabi ng netizen, “Asa ca dzae? Sorry wa co ca reply sa imo text ganiha. Naca tog co @maria-.elena-adarna.”

(Asan ka dai? Pasensya na hindi ako naka-reply sa text mo kanina. Nakatulog kasi ako @maria.elena.adarna.”)

Nakuha naman kaagad ang atensiyon ni Ellen sa nasabing komento.

Sagot niya, “@pasilboy sorry wa dyd ko kaila nimo and di to ako imong ka text. Pahuway palihog.”

(@pasilboy sorry hindi kita kilala and hindi ako yung ka-text mo. Pahinga ka na lang.)


Sumagot naman si @pasilboy na nagbibiro lang daw siya.

Ngunit hindi na siya pinansin ni Ellen.


Kasalukuyang naka-leave sa showbiz sina Ellen at John Lloyd habang hinihintay ang pagsilang ng sexy star ng kanilang unang anak.

Hindi pa rin nagsasalita ang dalawa tungkol sa pagiging would-be-parents nila.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna accidentally shows baby bump on Instagram
Ellen Adarna accidentally shows baby bump on Instagram
Ellen reacts to
Ellen reacts to "hindi maka-move on" comment of IG follower
Ellen, John Lloyd spotted in hospital for checkup
Ellen, John Lloyd spotted in hospital for checkup
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Samantala, nag-post naman si John Lloyd ng isang throwback picture kasama si Ellen na sakay ng isang bangka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN