Vice Ganda on Regine Velasquez: "The Lord uses her to heal me."

IMAGE Noel Orsal / MOA Arena Instagram

Vice Ganda made his first public appearance, after undergoing a surgery, at the #paMORE concert of his idol Regine Velasquez, together with Martin Nievera, Ogie Alcasid, and Erik Santos. Vice skipped his guest appearance at JaDine concert the night before.


Para sa Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda, si Asia's Songbird Regine Velasquez ang ginamit ng Panginoon upang gumaling siya.

Isa si Vice sa nanood ng pre-Valentine concert ni Regine, kasama sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Erik Santos, ang #paMORE, sa MOA Arena, sa Pasay City, nitong Sabado, February 10.

Iyon ang unang public appearance ng Kapamilya star matapos sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang natuklasang kidney stones sa kanyang katawan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na masugid na tagahanga ni Regine si Vice, na malimit manood ng concerts ng Asia's Songbird.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda cancels Vigan show, undergoes kidney surgery
Vice Ganda cancels Vigan show, undergoes kidney surgery

Kahapon, February 11, nag-post si Vice sa kanyang Instagram Stories ng picture ni Regine na kuha sa #paMORE.

Caption niya rito: "@reginevalcasid has always been my hero. Seeing her and hearing her sing make me feel alright. The Lord uses her to heal me."


Dahil sa kanyang operasyon, dalawang events ang ipinagpaliban ni Vice.

Una ay ang Kannawidan Festival sa Vigan, Ilocos Sur, noong February 3.

Pangalawa ay ang Revolution concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Araneta Coliseum noong February 9.

Dapat ay isa si Vice sa mga guest sa pre-Valentine concert ng JaDine. 

Ngayong araw, February 12, ay bumalik na si Vice sa It's Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN