Sharon Cuneta regrets engaging in Twitter war over KC-Piolo breakup

IMAGE Instagram @itskcconcepcion

Sharon Cuneta on engaging in Twitter war in 2012: "I regret taking it out on social media though. Di pa ako sanay sa bashers noon."


Itinanggi ni Sharon Cuneta na kasalanan ng mister niyang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan kung kaya’t napasubo siya sa Twitter wars sa bashers noong 2012.

Kaugnay ito ng viral Facebook thread kung saan sinagot ng Megastar ang lahat ng katanungan ng netizens tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Gamit ni Sharon ang kanyang private Facebook account na April Mondragon, hango sa papel na ginampanan niya sa 1981 film na Dear Heart.

Sabi ng Facebook user na si Krizette Laureta Chu: “Di ba nung 2012 medyo nag warfreak si ate girl sa Twitter?! Pero she's always been sweet before that? KASALANAN ULIT NI KIKO YAN.”


Ngunit nilinaw ni Sharon na pumatol siya nang husto sa bashers noong 2012 hindi dahil sa namroroblema siya kay Kiko, kundi dahil sa labis na pambabatikos sa kanyang anak na si KC Concepcion.

Dala raw ito ng hiwalayan noon ni KC at ng nobyo nitong si Piolo Pascual.

Pahayag ni Sharon, “Hindi po kasalanan ni Kiko. Kasalanan ng nagbreak ng Heart ni KC.

“I don' make paki to my eldest child's relationships/break-ups. But Mali pag niloko ka ng ibang klase.

“I loved that boy and now I always will. We have been okay. I am a mother. Yun lang ang kasalanan ko.

“Pinaglaban ko ang anak ko kasi di sya makasalita.”

Ayon kay Sharon, nagsisisi siyang umabot pa sa social media ang reaksiyon niya sa pinagdaanan ng anak.

“I regret taking it out on social media though. Di pa kasi ako sanay sa bashers noon na matapang lang nga naman kasi di mo sila kilala.

“In private to tell u the truth, I would beat up any basher na walang balak sa buhay kundi manira ng kapwa at puro pagsisinungaling lang.

“KUNG MATAPANG NA HAHARAP SA AKIN. eh duwag naman lahat.”

Dagdag ng actress-singer, “Sorry I am a truly sweet nice person. I am a lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But do you know my father? Hahaha! I also grew up with one brother. I fight like a boy it's been a while though.

“Kakahiya huwag niyo gayahin!”



Stories We Are Tracking

Garie Concepcion explains reason behind KC's showbiz hiatus
Garie Concepcion explains reason behind KC's showbiz hiatus
KC Concepcion to her Papa Gabby:
KC Concepcion to her Papa Gabby: "Don't ever leave again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN