Kris Aquino fires back at netizen for slut-shaming her

by Arniel C. Serato
Feb 13, 2018
Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isa niyang follower sa Instagram na nagparinig sa kanya tungkol sa pagiging kabit. Lumang isyu na raw itong ibinabato sa kanya mula pa noon. 

Isa na namang netizen ang binuweltahan ni Kris Aquino dahil sa hindi magandang komento nito tungkol sa kanya sa Instagram.

Ito ay kasunod ng pagsagot niya sa isang basher na tinawag siyang "magnanakaw."

STORIES WE ARE TRACKING

Sa mga komento sa post ni Kris tungkol sa basher na ito, sinabihan siya ng isa pang follower niya sa Instagram na ang paninira raw sa kapwa ay isang "criminal act."

Sinabi rin ng Instagram user, na may handle name na @shirtlesspinoy, na ang ilang halimbawa ng criminal acts ay ang pagiging "kabit" o ang manira ng relasyon.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot ito ni Kris.

Ayon sa TV host-actress, may mga kilala siyang bloggers na walang ginawa kundi ang manira ng reputasyon ng ibang tao.

Sabi pa ni Kris sa netizen, "Regarding the pagiging KABIT, kung pinatatamaan mo ko, find something new to accuse me."

Ibinigay pang halimbawa ni Kris ang Speaker of the House na si Pantaleon Alvarez na umaming may kabit.

Ibig daw bang sabihin nito ay sangkot din sa isang criminal act ang mambabatas?

Buwelta pa ni Kris sa netizen, "Work on your abs, they are impressive. Your logic, unfortunately, it needs tutoring."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rason naman ni @shirtlesspinoy, hindi raw niya sinadyang patamaan si Kris sa sinabi niyang "kabit" dahil halimbawa lang daw ito sa mga sinasabi niyang criminal acts.

Pero sinabi rin nitong techinically ay naging kabit si Kris ni Joey Marquez dahil hindi pa naman daw ito hiwalay kay Alma Moreno noong naging sila.

Wala rin daw kriminal na umaaming kriminal sila.

Dagdag pa ng netizen, "Oh sige ganun na lang ang sampol para di ka matamaan. Wala ka naman yatang napatay.

"Halimbawa, pumatay ng tao, aamin ba sya na pumatay sya ng tao?

"Yun ang mga trolls. So hindi sila pinag-aaksayahan ng oras.

"Tulad ko, hindi mo dapat ako pinag-aaksayahan ng oras."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hindi inurungan ni Kris ang netizen.

Sabi ni Kris, na magdiriwang ng kanyang 47th birthday bukas, February 14, kaya niya sinagot ang netizen ay dahil gusto nitong "i-slut shame" siya.

Sinagot din ng TV host-actress ang punto ng netizen tungkol sa pagpatay sa tao.

Saad niya, "Yung PUMATAY ng TAO, our current president has spoken of it in several speeches & interviews & has actually encouraged it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"God really does know how to be FAIR. He won't give all to 1 man...

"remember, i'm no angel, that's why i'm on my own."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO TO FILING CASES. Isa pang follower ni Kris sa Instagram ang nagomento kung bakit ayaw nitong sampahan ng kaso ang bashers at trolls para matauhan ang mga ito.


Tugon dito ni Kris, mahal masyado ang maghain ng mga reklamo sa korte.

Mas maiging gamitin na lamang daw niya ang pera sa charity institutions na kanyang tinutulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, Kabit
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isa niyang follower sa Instagram na nagparinig sa kanya tungkol sa pagiging kabit. Lumang isyu na raw itong ibinabato sa kanya mula pa noon. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results