Robi Domingo earns ire of KathNiel fans over Daniel Padilla-Liza Soberano video on IG

IMAGE Instagram

Kinuyog ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo si Robi Domingo dahil daw sa insensitive post nito tungkol kay Liza Soberano, na diumano'y palihim na tinutukso kay Daniel sa backstage ng ASAP noong nakarang Linggo, February 11. 


Ikinagalit ng KathNiel fans ang tila panunukso ni Robi Domingo kina Liza Soberano at Daniel Padilla.

Nagsimula ito nang i-upload ni Robi sa kanyang Instagram Stories noon ding araw na iyon ang maikling video ng pakikipag-usap niya kay Liza sa backstage ng ASAP noong Linggo, February 11.

Habang nakatutok ang kanyang cell phone camera kay Liza, bigla itong ibinaling ni Robi kay Daniel, na nakaupo sa bandang gilid nila.

Ngumiti lang si Daniel nang itutok sa kanya ni Robi ang camera.

Pagbalik ng camera kay Liza ay tinanong ni Robi ang dalaga ng: "May sinasabi ka?"

Tila clueless naman si Liza kung ano ang ibig sabihin ni Robin.

Hindi na makikita sa Instagram account ni Robi ang nasabing video, ngunit may nakapag-upload nito sa YouTube.

At tila ginawan na ng kuwento ang video.

Hindi ito nagustuhan ng ilang masugid na tagahanga ng KathNiel, lalo pa't very much identified si Daniel sa ka-love team niyang si Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganun din si Liza, na ang katambal ay si Enrique Gil. Ang tawag sa kanilang tambalan ay LizQuen.

Dahil dito, ilang KathNiel fans ang nagpaulan ng masasakit na mensahe laban kay Robi sa social media.

Narito ang ilan sa kanila:



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May din namang ilang nagtanggol kay Robi:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DISTRICT 8 MANILA APOLOGIZES. Nakadagdag pa sa galit ng KathNiel fans ang Instagram post ng District 8 Manila, kung saan makikita sa larawan na pinaggigitnaan si Robi nina Liza at Daniel.

Isa si Daniel sa may-ari ng District 8 Manila, isang resto-bar sa San Juan City.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Burado na sa account ng District 8 Manila ang nasabing post.

Naghayag na rin sila ng paumanhin dahil daw sa pagkakamali ng kanilang social media staff, na kaagad na rin daw nilang tinanggal sa trabaho.

A post shared by District 8 (@district8manila) on

Wala pang reaction si Robi tungkol sa isyu.

Gayunpaman, hiningan pa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host ng kanyang panig sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN