Pauleen Luna: "I do not dislike Maine!"

IMAGE Noel Orsal

Pauleen Luna strongly denies she wants Maine Mendoza out of Eat Bulaga!: "Some of you think that I hate her, why??? Bakit kailangan niyo mag-imbento? Wag niyong pilitin na 'pag-awayin' kami cos it will NEVER happen!"

.


Binigyang-linaw muli ni Pauleen Luna ang mga espekulasyong hindi niya gusto ang kasamahan sa Eat Bulaga! na si Maine Mendoza.

Sa magkakasunod na tweets kagabi, February 13, inilabas ni Pauleen ang nararamdaman niya sa mga isyung patuloy pa ring ibinabato sa kanya.

Ayon sa misis ni Vic Sotto, pamilya ang turingan nilang lahat sa noontime show kaya sana ay huwag nang gawan ng isyu ang sa kanilang dalawa ni Maine.

Mensahe ni Pauleen, “Once and for all let me put this out in the open - I DO NOT DISLIKE MAINE!

“I don’t know where some people got that idea. How I wish she would stay in the studio so we could all be close!

“But since she’s in the barangay, we don’t get the chance to bond katulad ng mga nasa Broadway.”

Binigyang-linaw rin ni Pauleen na hindi porke’t may sinagot siyang mga fans ng AlDub—ang tawag sa mga tagahanga nina Maine at Alden Richards—ay galit na siya sa mga ito.

Aniya, “Please stop putting words into my mouth. Not because sinagot ko yung fans noon, galit ako sa Aldub Nation.

“Naiinis ako pag may inaaway, yes. Kasi hindi naman kailangan mang-away! Maine said that herself!

“What I seriously do not understand is the fact that some of you 'think' that…

“Some of you think that I hate her, why??? Bakit kailangan niyo mag-imbento?

“Again, we are a family in Eat Bulaga! Every one of us!

"Wag niyong pilitin na 'pag-awayin' kami cos it will NEVER happen!

“I’ve been on the show for 13 years so please, take it from me, na pamilya kami doon.”

LEAVE TALITHA ALONE.” Kasunod nito ay nakiusap din si Pauleen na huwag nang kaladkarin pa ang anak nila ni Vic na si Talitha sa mga isyung showbiz.

Kamakailan ay may isang basher na nagsasabing ang mas kamukha raw ni Talitha ay si Ryzza Mae Dizon, na kasamahan ni Pauleen sa Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang dinepensahan nina Oyo Sotto at Pauleen sina Talitha at Ryzza laban sa isyu noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Pauleen Luna calls out basher of daughter Talitha
Pauleen Luna calls out basher of daughter Talitha

Mensahe ni Pauleen sa kanyang bagong tweet, “And lastly, leave my 3-month-old daughter out of this!!!

“I would like to make it clear that I NEVER got mad at anyone who said Talitha looks like Ryzza!

“Stop inventing. Naiinis ako sa mga tao na nagsasabi na magkamukha sila na may malice! Meaning, pag may sad face, meaning, nilalait nila si Ryzza!

“I’m mad because children should be spared sa kung ano mang hate ang meron ang ibang tao."

Ito raw ang kanyang labis na ikinagalit, ang minsan ay tinag pa si Ryzza Mae sa kanyang social media account tungkol kay Talitha. 

Babala ni Pauleen, “Now, if you continue to put words into my mouth and continue to say bad things about these children especially my daughter, I will definitely report you to the NBI."

Panghuli niyang mensahe, “You do not know what a mother can do to protect her child! So PLEASE LEAVE TALITHA ALONE.

"And please, stop the hate. We love Maine, as much as we love everyone else in the show. Please stop thinking otherwise. Peace be with you all and God bless you!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN