Pokwang furious over accusation of being a negligent mother

IMAGE Noel Orsal

Comedienne Pokwang is definitely not laughing after some netizens accused her of being "bobo" and negligent to her newborn baby. 


Beast mode si Pokwang matapos siyang akusahan ng ibang netizens na pabaya at “bobong” ina sa kanyang anak na si Malia.

Si Malia ay ang one-month-old baby ng 47-year-old comedienne sa kanyang American partner na si Lee O'Brian.

Nagsimula ito sa maiksing video na in-upload ni Pokwang sa Instagram nitong Martes, February 13.

Dito ay makikitang nakahiga sa sofa si Malia, habang katabi ang dalagang anak ni Pokwang na si Mae, na tila kinukunan ng larawan o video ang kapatid gamit ang cellphone.

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Hindi nagtagal, muling nag-post si Pokwang sa Instagram, kalakip ang screenshots ng artikulong galing sa isang blog.

Laman ng artikulo ang pagpuna ng netizens na mahuhulog na raw ang sanggol dahil hindi binabantayang mabuti ng kanyang ate sapagkat busy sa kaka-cellphone nito.

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang.

Buwelta niya sa netizens, “Ok nakakairita ha.... daming epal kasi e... salamat kung totoong concern kayo!

"pero hindi naman ako BOBO para pabayaang mahulog ang anak ko sa sofa!

“eksaherada ang ilang nag post ng video ko sa social media nila ng wala na nga pahintulot sarap ipatumba!

“tapos palalabasin pa na BOBO kang ina at walang kwentang kapatid si Mae? pabaya ganon?

“tigilan na ang pandarambong sa youtube or kung saan man social media nyo!”

Singhal pa ni Pokwang, may mga netizen na gagawa ng istorya para lang makakuha ng maraming views.

“maka rami lang kayo ng viewers kung ano anong pang CLICKBAIT ang ginagamit nyo tah kayo!

“Ayan paki swipe nyo pag aralan ano nga ba ang clickbait!!!”

Banta pa niya, “wag ang mga anak ko baka makapatay ako dai!”


Sa comments section, nag-react ang isang netizen dahil sa statement ni Pokwang na "makakapatay" siya dahil sa kanyang mga anak.

Hirit pa ng netizen, “Kala ko religious siya.”


Sinagot ito ni Pokwang at dinepensahan ang kanyang pahayag.

Aniya, “nanay ako at kahit sinong nanay, kahit santo, kapag anak na ang pinaguusapan, walang relihiyon. ganon ako katotoo magalit. ewan ko, ikaw pano ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "ayoko ng nagmamalinis period!!!! Tao ako hindi ako santo gets?"


Pumanig naman ang maraming netizens kay Pokwang.

Pagtatanggol pa nila, form of expression ang pahayag ni Pokwang na makakapatay ito pagdating sa mga anak. Huwag daw itong gawing literal. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN