Lovi Poe defends Heart Evangelista on "baog" issue

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe (right) has a strong opinion for netizens hounding her friend Heart Evangelista (left) to get pregnant. "I don't think it's fair for any woman to get bashed for like, not choosing to have a baby just yet."


Ipinagtanggol ni Lovi Poe ang malapit na kaibigang si Heart Evangelista sa isyu ng diumano’y pagiging baog nito.

Noong nakaraang taon ay nasalang sa palitan ng salita si Heart at isang basher nang kuwestyunin ng netizen ang kakayahan ng aktres na magbuntis.

Tinawag pang "baog" ng basher si Heart.

Ngayong Huwebes, February 15, ang third wedding anniversary ni Heart at ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.


Stories We Are Tracking

Heart brings up story about being locked up by angry person
Heart brings up story about being locked up by angry person

Pagtatanggol ni Lovi sa kapwa Kapuso star, “Oh, I have nothing but love for Heart and she’s an amazing human being.

“I don’t think it’s fair for any woman to get bashed for like, not choosing to have a baby just yet.”

Ayon kay Lovi, choice ng mga babaeng gaya niya at ni Heart kung gusto na nilang magka-baby o hindi.

Paliwanag pa niya, “Kasi choice rin naman ng tao. You know, when someone is prepared or not.

“Yung sariling tao ang makakaalam kung prepared siya o hindi.

“You know what, let this girl be.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng The Significant Other, ang pelikula niya kasama sina Erich Gonzales at Tom Rodriguez.

Ginanap ang presscon noong February 11 sa Higher Grounds Café sa Quezon City. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN