Vice Ganda touched by Coco Martin's gesture after his kidney stone operation

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda recalls how he and Coco Martin got in touch again. "Kasi nanonood ako ng TV nun, 'tapos nakita ko si Coco, bigla ko siyang na-miss. 'Tapos nag-text, ayun, 'tapos nagpadala na nga nun." Coco sent Vice flowers and fruits after the latter underwent operation to remove his kidney stones.


Nang maoperahan kamakailan si Vice Ganda upang tanggalin ang kanyang kidney stones, nagpadala ng bulaklak at prutas ang kaibigan niyang si Coco Martin.

Ipinost ito ni Vice sa kanyang Instagram Stories, at dahil dito ay natuldukan na ang isyung may samaan ng loob sa pagitan nilang dalawa.

Nabalita noon na ang pinag-ugatan ng isyu ay ang pagtatapat ng mga pelikula nila sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa nakaraang MMFF, nakuha ng movie ni Vice, ang Gandarrapido: The Revengers Squad, ang number one slot sa box office. Pumangalawa naman ang movie ni Coco na Ang Panday.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice sa set ng It’s Showtime noong Lunes, February 12, nagbigay pahayag ang TV host tungkol sa ginawa ni Coco.

Saad niya, “Flowers, fruits... ang dami isang tiklis.

“Ang tagal na nun, wala talaga.

"Kasi nanonood ako ng TV nun, 'tapos nakita ko si Coco, bigla ko siyang na-miss, 'My God, di ko na ito nakikita.'

“'Tapos, nag-text, ayun, 'tapos nagpadala na nga nun.

"Sabi ko, 'Ay, papansin ako. Papansin ako sa kanila.'"

EXCRUCIATING PAIN. Kinumusta namin kay Vice tungkol sa kidney stones na nakita sa kanya.

Lahad niya, “Okay na, recovering.

“Okay-okay na, di pa 100 percent super okay, kasi may stent [tube] ako sa loob. 

“Three months pa siya bago maging okay.”

Patuloy niya, “Two Fridays ago ako nung sinumpong.

“Wala akong nararamdamang anything [na] kakaiba sa akin, basta bigla akong sinumpong nun.

“Masakit na masakit na masakit.

“Malalang sakit, excruciating talaga siya.

“Sobrang sakit ng tagiliran ko, di ko na kinaya, ayun, nagpadala na ako sa hospital.

“Multiple kidney stones. Sa parehong sides ng kidney ko, left and right.”

Ayon kay Vice, ang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kidney stones ay ang kakulangan niya sa pag-inom ng tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay dobleng ingat na rin ang TV host-comedian sa mga kinakain niya.

“May mga tao daw talaga na stone forming, yung iba naman minamana.

“Ako naman, kulang ako sa tubig daw, kasi di talaga ako matubig, 'tapos pawisin ako.

“Ako, yung iniinom kong tubig, pinapawis ko na.

“Kaya kulang ang tubig na iniihi ko, kaya nagkaroon ako ng kidney stones.

“Ingat sa kinakain saka tubig nang tubig nang tubig. 'Tapos medication, three months medication.”

Dahil sa kanyang pagkakasakit, mas natutunan daw ni Vice na pahalagahan ang buhay.

Paliwanag niya, “I love my life. 

“I love life, life is supposed to be enjoyed, and kailangan inaalagaan talaga ang buhay.

“Ang sarap niya, e.

“Kapag nawala, nakakalungkot.

“Kaya ang na-realize ko nun, gusto ko pang mabuhay, kaya kailangang ayusin ko ang life ko.”

Sa ngayon ay hinay-hinay na rin muna sa pagtatrabaho si Vice.

“Marami [pang trabaho] pero ano muna, hinay-hinay.

“Di pa ako puwedeng tagtag, di pa puwedeng super dance, di puwedeng super likot.

“Okay na muna ako sa GGV saka sa Showtime."

Na-cancel din ang dapat ay show niya sa Vigan at ilang trabaho na naoohan niya.

Sabi ni Vice, “Yung ibang raket, dinedma ko na muna, di muna ako rumaraket.

“Ang daming kontrata na kailangang ibalik ko yung pera, kasi di ko mapu-fulfill yung trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN