Sharon Cuneta "loses confidence" after Marian Rivera posted bikini photo

IMAGE Instagram

This was Sharon Cuneta's (right) comment on Marian Rivera's (left) latest Instagram post: "Ayan na naman! Nawalan na naman ako ng kompyansa sa self ko! Hahaha! Enjoy!"


Idinaan sa biro ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang pagpuri sa ganda ng katawan ng Kapuso star na si Marian Rivera.

Ngayong Huwebes, February 15, nag-post si Marian sa Instagram ng larawan nila ng mister na si Dingdong Dantes habang nasa beach.

Nakaitim na two-piece bikini ang 33-year-old Kapuso actress habang karga-karga siya ni Dingdong.

Komento ni Sharon sa Instagram post ni Marian: “Ayan na naman! Nawalan na naman ako ng kompyansa sa self ko! Hahaha! Enjoy!”


Noong nakaraang linggo, nagkomento rin ang Megastar sa post ni Marian sa Instagram.

Gaya ng pinakahuling post, pinuri ng 52-anyos na singer-actress ang kagandahan ng kanyang inaanak sa kasal.

Pabiro pang hinamon ni Sharon si Marian sa kantahan para raw pandagdag ng kumpiyansa sa sarili bunsod ng pagpapakita ng kagandahan ni Marian.

 


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown
Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN