Kapamilya, Kapuso actresses praise Marian Rivera's sexy figure

IMAGE Instagram

Female celebrities from ABS-CBN and GMA-7 praise Marian Rivera (2nd from left) for her sexy figure. Actresses such as Sharon Cuneta (far left), Megan Young (2nd from right) and Pokwang (far right) are just some who complimented Marian's fit figure.


Hindi napigilan ng mga female celebrities mula sa Kapuso at Kapamilya network na mamangha sa kaseksihan ni Marian Rivera nang mag-post ito ng kanyang bikini photos via Instagram.

Sa pinakahuling post ni Marian nang naka-bikini ay muling napa-comment si Megastar Sharon Cuneta sa kaseksihan ng kanyang inaanak sa kasal.

Ilang beses na ring pinuri ni Sharon via social media ang Kapuso prime time queen sa kanyang kaseksihan.


Stories We Are Tracking

Sharon
Sharon "loses confidence" after Marian posted bikini photo
Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown
Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown

Sa pinakabagong comment ng Megastar, sinabi nitong hirap na raw siya sa kada-diet para pumayat, pagkatapos ay makikita niya pa kung gaano ka-sexy si Marian.

Tinawag niya pang “perfect” si Marian.

Napa-comment naman dito si Marian at sinabing bibisitahin ang kanyang ninang.


Tinawag namang inspirasyon ng isa pang Kapamilya actress na si Pokwang si Marian dahil sa pagiging fit nito kahit na nanay na.

“nanganak kaba talaga??? yung totoo??? nasan ang histisya?? ikaw na ang inspirasyon ko KABOG!!!!!” komento ni Pokwang.


Pinuri rin ni Carmina Villarroel si Marian.

Nagkatrabaho ang dalawa sa pinakahuling Kapuso prime time teleserye ni Marian, ang Super Ma'am.


Nagkomento rin sina Kakai Bautista at Neri Miranda kay Marian.



Maging ang mga sexy at fit actresses din mula sa magkabilang network ay pinuri si Marian, kagaya nina Megan Young, Roxanne Barcelo, Kim Domingo, at Iya Villania.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN