KZ Tandingan responds to dissatisfied netizens with her song choice in Singer 2018

IMAGE Instagram

KZ Tandingan responds to netizens who are not completely satisfied with her feat in the popular celebrity singing contest in China.


May ilan pa rin ang hindi kuntento sa kabila ng tagumpay na nakamit ni KZ Tandingan sa sikat na celebrity singing competition sa China, ang Singer 2018.

Sa ikalawang performance ni KZ sa nangungunang TV show sa China, kumanta ang pambato ng Pilipinas ng medley ng Mandarin songs at nakapasok sa Top 4 sa naturang episode.

Bilang challenger, kinailangan ng singer na mapabilang sa Top 4 pagkatapos ng kanyang dalawang performances para hindi ma-eliminate.

Nagawa ito ni KZ kaya't isa na siyang regular contender.

Pang-anim naman si KZ sa walong contenders over-all.

Lumikha ng ingay si KZ noong nakaraang linggo nang manguna siya sa episode dahil sa pagkanta ng “Rolling In The Deep” at pumangalawa lamang ang UK Pop Star na si Jessie J.

CRITICS. Sa Twitter, may ilan ang hindi lubos ang tuwa sa natamo ni KZ.

Isang netizen ang nag-tweet na nagmungkahi sa singer na kumanta na lamang siya ng mga sikat na English songs, gaya ng pinakauna niyang performance.

Sinagot ito ni KZ at sinabing bukod sa boto ng viewers, gusto niyang magkaroon ng kuneksyon sa kanyang Chinese audience.

Sinabi naman ng isa pang netizen na nabalitaan daw niya ang pagkanta ni KZ ng “Anak” ni Freddie Aguilar sa naturang episode at dismayado ito sa nakuhang ika-anim na pwesto ni KZ.

“if thats true then you can see that people didnt relate.”

Dapat daw ay mga recent at sikat na kanta ang piliin ni KZ.

Pinuna naman siya ni KZ dahil sa pakikinig sa mga bali-balitang walang katotohanan.

“The problem is people react to hearsay. I didnt sing Anak, and if you did a little bit of research you'd know,” banat ng singer.

Muling sumagot ang netizen at sinabi kay KZ na ang music ay entertainment, “especially in a music contest where judges are present.”

Sumagot muli si KZ at sinabing walang judges sa naturang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, “music isnt just about entertainment, it is an expression, a language, a connection, an art.”

Ang mga top contenders sa naturang singing contest ay nadedetermina via votes at walang mga hurado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN