Aljur Abrenica, Robin Padilla cross paths at a family dinner

IMAGE Instagram (Kylie Padilla)

Robin Padilla crosses paths with Aljur Abrenica at a family gathering. It's no secret that Robin holds it against Aljur that he has not yet married Kylie, Robin's daughter.


Nagkita sina Robin Padilla at Aljur Abrenica sa isang family dinner ngayong gabi ng Sabado, February 17, base sa Instagram Story na in-upload ni Kylie Padilla.

Si Kylie ay anak ni Robin at kasalukuyang live-in partner ni Aljur.

Hindi lingid sa showbiz na may hindi magandang namamagitan kina Robin at Aljur. Ito ay sa kadahilanang nais ng 48-taong-gulang na action star na makasal na ang anak na si Kylie at kinakasama nitong si Aljur.

Sa naturang video, makikitang pinagmamasdan ni Robin ang apo nitong si Alas Joaquin, habang karga-karga ng amang si Aljur.


Ipinanganak ni Kylie ang anak nila ni Aljur noong Agosto ng nakaraang taon.

Sa isa pang video na ipinost ni Kylie, may caption itong "family dinner" at ginamit din ang hashtag na #happiness.

Sa eksklusibong interview noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie, inamin nito na ang hindi pa nila pagpapakasal ni Aljur ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo ng kanyang ama kay Aljur.

Paliwanag ng aktres, hindi pa sila nagpapakasal ni Aljur dahil marami pa silang kailangang ayusin.

Dugtong pa ni Kylie, hindi raw siya pabor sa divorce kaya't tinitiyak muna niyang hindi ito mangyayari kung sakaling magpakasal sila ni Aljur.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN