Will Winwyn Marquez transfer to the Kapamilya network?

IMAGE Winwyn Marquez's Instagram

Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez's contract with GMA-7 ended last February 15. Her manager, Arnold Vegafria says "there are offers" regarding Winwyn's options on renewing her contract with the Kapuso network or transferring to ABS-CBN.


Mananatili pa kayang Kapuso o magiging Kapamilya na si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez?

Nag-expire na kasi ang kontrata ni Teresita with GMA-7 noong nakaraang February 15. Ayon sa manager nito na si Arnold Vegafria, wala pa silang final decision kung saang TV network pipirma si Winwyn.

“There are offers. But we will still discuss her contract,” pahayag ni Vegafria, sa naganap na send-off party para kay Miss Multinational Philippines Sophia Senoron sa Full Belly Restaurant in Quezon City, noong nakaraang February 15.

Since 2010 ay naging loyal talent na ng Kapuso network si Winwyn at ilang shows na ang sinamahan nito, katulad ng Party Pilipinas, Sunday All Stars, Blusang Itim, Hiram Na Puso, One True Love, Indio, Dormitoryo, Kambal Sirena, Ang Lihim Ni Anasandra, The Half-Sisters, Little Nanay, Someone To Watch Over Me, Encantadia at Mulawin Vs. Ravena.

Nang hingan ng comment si Winwyn tungkol dito, wala itong direktang sinagot at bahala na raw ang manager niya sa lahat.

Bilang reigning Reina Hispanoamericana, abala si Winwyn sa promotion ng Hispanic culture sa Pilipinas.

May ilang proyekto rin ang actress turned beauty queen para sa Parañaque City at isa na rito ay ang pagpapatayo ng isang public library para sa mga kabataan.

Going strong pa rin daw ang relasyon nila ng Kapuso actor na si Mark Herras.

Sa tanong kung pinag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal? Natatawang sagot ni Teresita ay: “Ipapasa ko muna ang korona!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN