Liza Soberano on why she and Enrique Gil are taking it slow: "Ayokong mawala yung parang spark..."

IMAGE Rommel Llanes

After Liza Soberano's vacation with Enrique Gil and their families in Europe, she's very eager to get back to work. "Sobrang hinahanap ko ang work," Liza said.


Labis ang pasasalamat ni Liza Soberano na mayroong isang Enrique Gil na consistent sa pagpo-post ng sweet messages at pagpapahayag ng espesyal na nararamdaman sa kanya.

Ngunit sa kabila nito, ayaw pa ring bigyan ng label ng aktres estado ng kanilang relasyon ni Enrique.

“I’m really happy to have someone who loves me the way he does. We are really special to each other and I hope that through the years, ganun pa rin," simula ni Liza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nung nakaraang Linggo sa ASAP.

“I don’t really wanna label it, 'coz I don’t know... Ayokong mawala yung parang spark if you start to put label to it. I wanna take things slowly and kung ano ang mayroon ngayon, dahan-dahan lang."

EUROPE VACATION. Bago pa man ang sweet messages ni Enrique kay Liza nung nakaraang Valentine’s Day ay nag-post na rin ang aktor ng pictures naman nila ng aktres sa Paris kung saan nila in-spend ang kanilang New Year.

Kuwento ni Liza, masaya raw ang naging bakasyon nila ni Enrique sa Europe kasama ang kani-kanilang pamilya.

“Masaya, we were really relaxing. Kasi the whole year, with Darna and everything, I was really working hard to achieve my body goals," banggit pa ni Liza sa proyektong pinaghandaan niya last year.

"So, when we went to Paris, London, and Spain, it was really kind of the time for us to relax, forget everything for the moment, and I’m glad we were able to have that vacation. 'Coz now I’m back to work, sobrang hinahanap ko ang work."

Pinagpapasalamat naman ng aktres ang magandang samahan ng pamilya niya at ng pamilya ni Enrique. Parang isa raw silang malaking pamilya.

“Sobrang saya. I am really blessed that his family and my family are very well together. Kasi it just makes it seem like I have a bigger family. More people to love and more people to love me. It just makes me really happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positibo naman ang aktres na magiging mas mabiyaya at mas abala ang 2018 para sa kanya.

“For 2018, I feel that it’s gonna be a very busy year for me. I have Bagani going on and Darna, they are both action and drama.

"I’m gonna be emotionally tired, physically tired, but at the same time my heart is gonna be full because I’m blessed and continuous ang work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN