Iñigo Pascual on Maris Racal: "I feel I found my soulmate."

IMAGE Melo Balingit

"I guess mas safe kung sa inyo na lang yung relationship. Pero wala akong sinasabi na we're in a relationship, ha," says Iñigo Pascual about his closeness to Maris Racal.


Bagong dagdag sa lineup ng Myx VJs si Iñigo Pascual.

Makikilala sa Myx bilang VJ Nigs, nagpahayag ng excitement ang binata na bahagi na siya ng MYX family.

“Siyempre masaya, actually I was looking forward to this," simula ni Inigo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nung ipakilala siya as new Myx VJ sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN nung Miyerkules, February 14.

"When I came to the Philippines, I really wanted to do music. When I discovered the Myx VJ na puwede pala maging celebrity VJ guest, parang sabi ko, 'I wanna keep doing that.'

"It’s something I see myself, ever since I was in the States I was doing blogs, sobrang similar siya. Sobrang outgoing lang, candid, spontaneous yung trabaho. It doesn’t really feel work, I am learning at the same time.”

Sino ba ang peg niya sa pagiging VJ?

“Siyempre si Kuya Luis [Manzano], Kuya Robi [Domingo], ang dami!

"Pero I really asked advise from Kuya Robi everytime I see him sa [ASAP] 'Chillout' 'pag nagkakatrabaho kami.

"I really asked, 'Kuya Robi ano ba ang dapat gawin? How should I play my cards not just as a VJ but also as an artist?'

"Siyempre you wanna ask help from people that had been doing this for sometime.

"Ako natutuwa ako, kasi I’ve been able to do that and they really share their experiences with me.

"Kung ako ang tatanungin mo kung sino siyempre yung mga makukulit din, which is Luis talaga and Robi. I wanna be the type of host na 'di naman outgoing. Just making everyone feel happy and making everyone laugh," patuloy ni Iñigo.

FEELING NERVOUS. Aminado naman ang 20-year-old na binata ni Piolo Pascual na kabado pa rin siya kapag interviews sa harap ng kamera at sa pakikiharap sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I got nervous, pero yung mentality mo kasi pag inuna mo yung kaba, wala kang masasabi na tama.

"Wala kang masasabi na galing sa puso mo 'pag iniisip mo na, 'Baka magkamali ako, baka mag-buckle, baka ano ang masabi ko, baka magkaroon ng issue.'

"Instead of doing that, just be transparent, really enjoy what you are talking about.

"Dati that was my weakness, mga interviews. Kaya ako napapagalitan kasi nagba-buckle ako, 'di ko alam ang sinasabi ko, puro English ang sinasabi ko.

"Sobrang nervous kasi ako nun sa mga interviews. I feel like I will buckle and just mess everything up. Palaging iniisip ko dati is worst case scenario.

"Ang iniisip ko lang as a Myx VJ, you’re just talking to the camera as if he's your bestfriend right there. You just want to share your favorite music.

"Yun ang natutuhan ko and be able to listen. Kailangan pala magaling kang makinig 'pag isang host ka, kailangan alam mo yung nangyayari, alam mo yung pinag-uusapan.

"Kung ikaw ang lutang, ano ang magiging interview natin, 'di ba?” sabi pa ni Iñigo.

Bilang paghahanda sa kanyang pagbi-VJ, may mga preparasyong ginawa si Iñigo.

“As a Myx VJ, ako, talaga nanonood ako ng Myx. I really want to see how they work and siyempre gusto kong makita kung ano ang maibibigay ko, maipapakita ko as a Myx Vj.

Just studying, I really kind of, you immerse yourself  in the situation na, heto ka, ito ang kailangan mong gawin, may goal ka, gawin mo. Be charming and enjoy it.”

REAL STATUS WITH MARIS. Samantala, hindi naman maiwasang hindi tanungin kung ano na talaga ang status ng relasyon nila ni Maris Racal.

“She’s on fire right now, lahat ginagawa niya. She’s on TV, she’s on movie, she’s in the music industry now, she’s number one in i-Tunes, and I don’t want to be that person that kinda hinder, or kinda blocks that pathway for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right now we’re working together, and I’m working as well. If we have something na, we don’t have to force it.

"If there’s something between us, e di there’s something between us. Pero we don’t have to force things," ani Iñigo.

“Yun ang masaya, I was able to share my passion, yun na lang ang masasabi kong label na lang namin.

"I feel I am talking to myself when I’m with her, I feel I found my soulmate. Siguro yun ang label ko, soulmate.

“We’re not in a relationship, but definitely, I see her very, very special to me.

"Very dear to me as a person, as a friend. Someone that I am able to share my passion. Sobra ko siyang naa-appreciate.”

May mga artistang ang umaamin lang 'pag nauwi na sa breakup ang relasyon. Hindi naman daw kaya ganito rin ang gawin nina Iñigo at Maris, na aamin lang ng tunay na relasyon kapag nagkahiwalay na?

“I guess mas safe kung sa inyo na lang yung relationship. Pero wala akong sinasabi na we’re in a relationship, ha. Wala pa talaga.

"Right now I can call her a friend and we’re not in a relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN