Snooky Serna on stars today: "Masa-shock ka sa kanila."

IMAGE Noel Orsal

Snooky Serna: "Kasi noon, masyado kaming timid, shy, nakahawak kami sa palda ng mga mommies namin. Ngayon talaga, ang mga millennials, masa-shock ka sa kanila. Yung mga ungul-ungol, mga pumping-pumping, ayyy!"


Base sa obserabsyon ng dating child star at teen star na si Snooky Serna, "mas daring" ang mga kabataang artista ngayon.

Daring sa harap ng kamera o sa personal na buhay?

Tugon ng 51-year-old actress, “I think in general, even yung approach nila sa buhay, iba.

“Kasi noon, masyado kaming timid, shy, nakahawak kami sa palda ng mga mommies namin.

“Para bang we were so afraid to take risks, hindi kami masyadong risk-takers.

“Ngayon talaga ang mga millennials, masa-shock ka sa kanila.

“Yung talagang kung ano ang ipagawa sa eksena, kiss kung kiss! Daring kung daring, yung ganun.”

Sa pelikulang The Significant Other, kung saan kabilang si Snooky, ay may pumping scene sina Lovi Poe at Tom Rodriguez.

Ni hindi nga masambit ng dating Regal baby ang salitang “pumping.”

“Ayokong sabihin yung word, ano? P kung P! Even that word, hindi ko masabi.

“I mean, I don’t wanna sound like a hypocrite, I was married before, but then, hindi ako nakagawa ng ganun.

“Sa amin, ang pinakaseksi na nun, yung literally nag-kiss kayo in bed, 'tapos yung daya na naka-tube kami.

“Nakakumot na ganun, iyon na ang pinaka-love scene namin.

“Pero yung mga ungul-ungol, mga pumping-pumping, ayyy!”

MOST DARING ACT. Ang pinaka-daring daw niyang ginawa ay sumayaw nang naka-negligee bilang battered wife ni Ricky Davao sa Abot Hanggang Sukdulan (1989) na si Eddie Rodriguez ang direktor.

Kuwento ni Snooky, “It was such a safe, tame scene as opposed to today’s love scenes.

“But I’m not saying this to disrespect them or in disdain, wala, walang ganun.

“I’m not looking down on anyone, part lang ng trabaho.

"I respect their… kanya-kanyang… to each his own 'yan, e.

“Iyan ang kanilang opinion, at saka smart naman sila, e.

“They know what they’re getting into, tinatanong naman nila, matanong sila ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sila yung basta oo lang nang oo. On the contrary, they ask, they inquire.

“They’re very inquisitive, ‘Para saan itong eksenang ito?’

“And if they deem, especially si Lovi and Erich [Gonzales], first time we worked together… matanong.

“And so I’m sure na yung mga loves scenes, nabigyan naman ng justification sa kanila.

“Kinailangan sa eksena kaya go naman ang mga bata.

“Pero kami talaga nung araw, tsaka with my mother around, si Mila O pa, my goodness!”

Ina ni Snooky ang yumaong aktres na si Mila Ocampo.

Sa telebisyon ay napapanood regularly si Snooky sa The One That Got Away ng GMA-7, also with Lovi.

MISSING MARICEL. Ayon pa kay Snooky, reunion movie nila ni Dina Bonnevie ang The Significant Other

Huling nagkasama ang dalawa noong 1985 sa pelikulang Ride On Baby.

Kasama rin si Maricel Soriano sa naturang pelikula.

“Nami-miss na namin siya,” sambit ni Snooky patungkol kay Maricel.

“I don’t have any communication at all.

“I try to get in touch with her kaya lang masyadong busy yata sa personal life niya ang ating kapatid.

“She wants to be private, so I respect her.”
 
Ang mensahe raw siya para kay Maricel, “Bumalik ka na sa industriya.

“Kailangan ka namin at saka kausapin mo naman ako dahil love na love kita na walang halong showbiz.

“But if you are still enjoying your privacy, I respect that.

“I just wish you happiness  and good health and stay beautiful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN