Paolo Contis credits girlfriend LJ Reyes for his renewed faith

IMAGE Instagram

Kapuso actor Paolo Contis says his life is better now after going through tough times in the last several years. "Hindi perfect. Hindi naman perfect, e, pero mas may linaw ang mga bagay-bagay." He credits girlfriend LJ Reyes for helping him renew his faith and go back to church.


Maiikli ang sagot ni Paolo Contis sa mga tanong ukol sa paksa ng pagpapakasal nila ng girlfriend at fellow Kapuso artist na si LJ Reyes.

“Balang-araw,” ang mabilis na sagot ni Paolo sa tanong kung kailan sila magpapakasal ni LJ.

Wala pa raw silang napag-uusapang petsa.

“Wala pa. May kanya-kanya pa kaming kailangang ayusin.”

Mga ilang taon pa bago ito masama sa kanilang plano?

“We’ll see. Hindi pa namin alam.”

Very close naman si Paolo kay Aki, ang anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Tito Pao ang tawag nito sa kanya.

“Sakto naman” kung ilarawan ng aktor ang relasyon niya sa 7-year-old son ni LJ.

OVER THE DARK TIMES. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa taping ng Stories For The Soul, sa DICT Compound, Brgy. Paligsahan, Qeezon City.

Bida sina Paolo at Rodjun Cruz sa "Rehas" episode ng programa na mapapanood sa February 25 sa bago nitong timeslot, pagkatapos ng Dear Uge tuwing huling Linggo ng buwan.

Ang show ay tungkol sa darkest moments ng isang tao bago muling naging maganda ang buhay.

Tinanong namin si Paolo kung may hindi magagandang parte ba ng buhay niya ang papayagan niyang maipalabas sa publiko sa Stories For The Soul.

“Hindi naman siguro sobrang dark,” sagot nito.

“Lahat naman meron. Marami naman.

“Siguro yung mga last few years ng buhay ko, kung titingnan mo, mga five years siguro, ganun.

“I think it was… hindi naman to a point na gumagawa ka ng masama.”

Kailan ulit naging magandang-maganda ang buhay niya? Simula nang makilala niya si LJ?

“Iyon, and sama-sama naman yun.

“Sometimes I think God uses someone so, di ba?

“Ako naman kasi before, mga ilang taon na ago, I used to go to church regularly, ganun, tapos nawala iyon.

“Minsan kasi tayo, kapag may pinagdadaanan tayo, nakakalimot tayo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung mali natin. Normal, pero mali.”

Halos dalawang taon daw na hindi nag-church si Paolo.

Naging daan daw si LJ upang manumbalik ang tatag ng kanyang pananampalataya.

“Again, totoo naman, si LJ kasi is very active with the church, e, di ba?

“Siguro she was used as an instrument para makabalik ako.

"She’s not the reason, pero she was an instrument.

“Siyempre sisiguruhin mo naman, hindi ka naman dapat nagsisimba kasi may nililigawan ka sa simbahan.”

Maganda raw ang buhay ni Paolo ngayon.

“Maganda, maganda!

“Hindi perfect. Hindi naman perfect, e, pero mas may linaw ang mga bagay-bagay.”

Ano pa ang nakatulong sa kanya para mas maging maayos ang buhay niya?

“May definite ka na na goal.

“Kasi minsan nakakalimot ka kung ano ang goal mo, e.

“Malilihis ka nang konti, tapos ngayon mas concrete na yung dreams mo kasi may gusto ka nang mangyari talaga sa future.

“Especially now, you don’t think about yourself na lang talaga, di ba?

“Of course, marami ka nang… siyempre yung mommy ko, siyempre andiyan si LJ, siyempre yung kids ko, di ba?”

May dalawang anak si Paolo sa kanyang estranged wife, ang former EB Babes member na si Lian Paz.

Hindi malinaw kung na-grant na ang kanilang annulment matapos nilang maghiwalay noong 2012.

Bukod sa Stories For The Soul ay semi-regular cast member din si Paolo sa Sherlock Jr. na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN