Nathalie Hart denies James Reid became her boyfriend: "No, no way!"

IMAGE Noel Orsal (Nathalie)

"Wala akong ginagawa at saka, first of all, that was before they were together, okay," Nathalie Hart quickly said after seeing her old photo with James Reid (inset), boyfriend of Nadine Lustre.


“No, no way!”

Ito ang mabilis na sagot ni Nathalie Hart nang tanungin siya ni Boy Abunda kung naging boyfriend ba niya si James Reid.

Special guest ang Sin Island actress sa episode ng Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, February 21.

Dito ay tinanong si Nathalie sa ilang isyung kinasangkutan niya.

Kabilang dito ang pagkaka-link niya kay James, matapos kumalat sa internet noong 2014 ang larawan nilang dalawa kung saan akmang hahalikan siya ng Viva actor.

Ipinakita ito sa screen habang ini-interview ni Boy si Nathalie.

“Oh, my god, it's so embarrassing!

“Oh, my god, wait, na-stress ako dun, ah!” sabi ni Nathalie, na kapansin-pansing tila naguluhan sa mga pangyayari.

Naging maingat din siya sa kanyang mga sumunod na pahayag ukol dito.

“Baka ma-bash nila ako nang bongga,” aniya.

Paglilinaw ni Nathalie, “Wala akong ginagawa at saka, first of all, that was before they were together, okay.

“Before they were together, James and Nadine.”

Malinaw naman na hindi na isyu ito ngayon sapagkat masaya na sina Nathalie at James sa kani-kanilang mga relasyon.

Ipinagdiriwang nina James at Nadine Lustre ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan ngayong February.

Samantala, si Nathalie ay nag-e-enjoy sa relasyon nila ng kanyang Spanish boyfriend.


Stories We Are Tracking

Nathalie admits very intense relationship with foreigner BF
Nathalie admits very intense relationship with foreigner BF

WHAT HURTS NATHALIE? Sa parehong panayam, tinanong din si Nathalie kung anu-anong mga bagay ang nakakasakit o nakakapagpapikon sa kanya.

Sa puntong ito ay naging emosyunal ang 25-year-old actress.

Aniya, “Nasasaktan ako siguro kapag hindi ko nabibigyan ng suporta ang pamilya ko.

“For me, I'm very dramatic about that. Siguro doon ako may pakialam.

“I really think about my future.

“I really wanna go somewhere in life for me to be able to help my brothers.

"Yun yung may pakialam ako."

Diin pa niya, “Pero yung sa iba, sasabihin nila, 'Ay, malandi, pokpok, I'm a porn star,' I don't care.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong pakialam sa kanilang lahat.”

Sanhi raw ito ng pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya.

Pahayag ni Nathalie, “I never really had... My father, hindi niya talaga kami sinuportahan.

"It was really very difficult for us.

“But I think everyone has a different story.

“Nandito ako sa posisyon na 'to dahil I need to build my character.

“I'm here now and masaya ako kasi hindi ako magiging ganito ka-strong kung di ko mararanasan ang lahat ng yun.”

Nakatutulong daw kay Nathalie ang huling payo ng kanyang ama bago ito pumanaw noong 2017.

“Sabi niya, 'You know what, everything is irrelevant. As long as you know who you are, nothing matters. As long as you know that we love you and we know who you are, that's the only thing that matters. You don't need to listen to these people.'

“Sabi ko sa kanya before he died, I told him, I'm gonna make him really, really proud."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN