Vice Ganda suggests MRT shutdown: "Laging kung anu-anong nangyayari, laging sira."

IMAGE Instagram (@praybeytbenjamin)

Vice Ganda rants about defective MRT system: "Tigil-tigil niyo na ang MRT [na] 'yan. Naku, ang mahal-mahal ng tax na ibinayad ko diyan, hindi niyo naman nababagu-bago yung ano na 'yan, MRT na 'yan."


Hindi nakapagpigil si Vice Ganda maglabas ng saloobin tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng sunud-sunod na insidente ng mga nasisirang tren ng MRT (Metro Rail Transit).

Nagsalita ang It’s Showtime host sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng noontime show nitong Miyerkules, February 21.

Sa pakikipag-usap nina Vice at Anne Curtis sa isang contestant, napunta ang usapan sa problema sa traffic sa Metro Manila.

Ayon kay Vice, “Dito, meron nang Grab, meron nang Uber, may bus, may kotse, lahat… may motor, lahat ‘yan, kaya saksakan ng dami ng trapik, e.

“'Tapos ang MRT, panay-panay din ang paltik, di ba?”

Sinegundahan ito ni Anne na binanggit ang maraming beses na pagtigil ng mga tren nitong buwan.

Banat ni Vice, “Tigil-tigil niyo na ang MRT [na] ‘yan.

"Naku, ang mahal-mahal ng tax na ibinayad ko diyan, hindi niyo naman nababagu-bago yung ano na ‘yan, MRT na ‘yan.”

Himutok pa ng tinaguriang Unkabogable Star, “Laging ngarag, laging kung anu-anong nangyayari, laging sira.

"Natatakot na yung [mga pasahero]. Ang haba-haba na ng pila!"

Kung siya raw ang pinuno ng bansa, ipasasara na lang niya ang MRT.

“Kaya ang MRT [na] ‘yan, kung ako talaga magiging Pangulo, isasara ko ‘yang MRT na ‘yan, e.

“Isasara ko, tatanggalin ko yung mga tren, titira ko lang yung ganun [riles], ta’s sesementuhan ko, gagawin ko na lang siyang park.”

Iminungkahi naman ni Anne na gawin na lang skywalk ang MRT.


Stories We Are Tracking

Anne Curtis suggests skywalk along EDSA
Anne Curtis suggests skywalk along EDSA

Sundot ni Vice, “Tanggalin yung tren, patagin, gawing lakaran.

“Tutal, ang mga tao naman naglalakad din diyan, e, pag nasisira.

“Gawin niyo na lang park, di ba?”

Mungkahi pa ni Anne, gawin na lang itong maayos na bike lane.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN