Pancho Magno and Max Collins plan to have baby next year

IMAGE Instagram,

Pancho Magno says they plan to wait until next year to have a baby. He also doesn't have a preference whether to have a boy or a girl. "Kahit ano basta healthy yung baby walang problema sa akin. Pero as I said, baka next year na. Kasi kailangan naming paghandaan yun ni Max."


Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ikasal sina Pancho Magno at Max Collins noong December 11, 2017 sa Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Sa panayam ni Pancho nang mag-guest ito sa programang Walang Siyesta sa DZBB 594, nagbahagi siya ng update sa kanilang married life.

Ayon sa Kapuso actor, hindi ganun kalaki ang pagbabago mula nang siya'y ikasal kumpara noong binata pa siya.

"Ganun pa rin naman, may little changes, pero almost pareho pa rin naman nung binata pa ako, ang pagkakaiba lang talaga ay may asawa na ako!" natatawang pahayag ni Pancho.

Dagdag niya, "Siguro yung mga changes lang talaga ay yung mas hands-on ka na pagdating sa mga bagay-bagay sa bahay.

"Like, ako ang nagpapalit ng bombilya sa bahay, pag may sira ang shower."

Abala rin si Pancho sa kusina.

"Ako din ang nagluluto sa bahay, si Max kasi mantika lang ang alam niya iluto!" sabi nito sabay tawa.

Nagkuwento rin si Pancho tungkol sa kanilang baby plans.

"It’s a very, uhm... I mean, kailangan namin itong paghandaan.

"We’re planning to do it next year."

Ano ang gusto nilang panganay, boy or girl?

Sagot ni Pancho, "Kahit ano, basta healthy yung baby, walang problema sa akin.

"Pero as I said, baka next year na. 

"Kasi kailangan naming paghandaan yun ni Max."

Gayunpaman ay nag-e-enjoy raw si Pancho sa kanyang panibagong buhay kasama ang asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN