Ellen Adarna posts photo with John Lloyd Cruz in Japan

IMAGE Courtesy: Maria Elena Adarna on Facebook

Masayang nagbabakasyon sa Japan ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Kasama nila ang ilang mga kaibigan mula Cebu sa nasabing bakasyon.


Ini-enjoy ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang kanilang bakasyon sa Japan.

Ngayong Huwebes ng hapon, February 22, nag-post si Ellen sa kanyang Facebook account ng masayang larawan nila ni John Lloyd habang namamasyal sa Kobe-shi, Hyogo, Japan.

Simpleng caption niya, “KobeBeeFeed #kobe.”

Sa ibang posts ng kanilang kaibigan, makikitang kasama nila sina John Lloyd at Ellen.



#ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyvideo

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

Lumipad sina Ellen at John Lloyd mula Cebu patungong Osaka, Japan noong Martes, February 20.

Sa picture na lumabas sa preview.ph, mahahalatang malaki na ang tiyan ng sexy star.

Kasalukuyang nagdadalantao si Ellen sa unang anak nila ni John Lloyd, bagamat wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa.

Bumiyahe sila sa Japan matapos lumabas ang ulat na diumano’y ikinasal sila noong bisperas ng Chinese New Year, February 15.

Ngunit hanggang ngayon, wala pang nakakapagkumpirma kung may nangyari nga bang church o civil wedding noong araw na yun.


Stories We Are Tracking

John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd, Ellen fly to Japan amid wedding rumors
John Lloyd, Ellen fly to Japan amid wedding rumors


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN