"I’m not affected anymore."
Ito ang pahayag ni Michael "Mike" Acuña sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng muling paglabas ng kanyang video scandal.
Eksklusibong nakapanayam namin si Mike sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram ngayong Biyernes, Pebrero 23.
Dito ay direkta niyang inamin na siya nga ang nasa video.
Pero paglilinaw ng basketball player-model, "That’s an old video, 2009."
Ayon kay Mike, bago pa man sila nagkaroon ng relasyon ng Kapuso actress na si Kim Domingo ay naipaalam na niya ito.
"Hindi pa kami ni Kim niyan.
"At bago pa lang kami ni Kim, alam na niya about my scandal.
"So, hindi na ako affected."
Dagdag niya, "No, hindi. Dahil old video na iyan.
"It's already 2018, hindi lang ako may video, ang daming tao, mga sikat pa.
"Wala naman mawawala sa akin.
"Alam naman ng family ko iyan, alam ng GF ko iyan.
"Andiyan pa rin sila for me.
"I’m still happy right now. I’m busy sa mga agenda ko.
"I’m a guy at walang mawawala sa akin.”
May idea ba siya kung sino ang nagpakalat sa nasabing video scandal niya?
Tugon ni Mike, "I don’t know."
Pero may karma rin daw sa nagpalabas nito.