Sunshine Cruz hits back at bashers who accused her of undergoing tummy tuck

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Sunshine Cruz slams netizen for calling her "matanda" and for criticizing her body.


Sinagot ni Sunshine Cruz ang netizens na kumutya sa kanyang katawan at edad.

Ngayong Biyernes, February 23, nag-post ang 40-anyos na aktres ng kanyang bikini photo sa Instagram.

Sa comments section, isang basher ang bumatikos kay Sunshine.

Tinawag siya nitong "ang tanda" at hindi raw nahihiyang magpa-picture nang "naka-bra and panty."


Buwelta naman ni Sunshine: “mukha bang bra at PANTE yan? Lol! Nakikitingin ka nalang di mo pa gamitin pagiisip mo. Husga pa more!”


Kamakalawa naman, nag-post si Sunshine sa Instagram ng larawan niya kasama sina Alice Dixson at Ina Raymundo, kapwa niya endorsers para sa isang canned tuna brand.

Ang tatlong aktres ay naka-swimwear upang ipakita ang kanilang kaseksihan.

May tatlong netizens ang nagkomento at kinuwestiyon ang maliit na beywang ni Sunshine.

Anila, nagpa-"tummy tuck" daw ang aktres.


Ang tummy tuck o abdominoplasty ay isang uri ng cosmetic procedure para paliitin ang waistline.

Sumagot ang aktres at sinabing tingnan ang kanyang mga larawan noon.

“I have nothing against women undergoing the procedure pero hindi pa ako nagpapa tummy tuck.

“Excuse my belly button. Maliit talaga yan just like my sisters pusod.”


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN