John Lloyd Cruz enjoys snow activities in Japan with Ellen Adarna's brother, friends

IMAGE Courtesy: @louisetabaquero / @kimaraneta on Instagram

Ini-enjoy nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at kanilang mga kaibigan ang malamig na klima sa Japan.


Ini-enjoy nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang kanilang bakasyon sa Japan.

Kasama ng showbiz couple ang kapatid ng sexy star na si Rico Adarna, ang misis nitong si Louise Tabaquero, at ilang malalapit na kaibigan.

Ang latest weather temperature sa Japan ay 8 degree centigrade kaya marami sa mga lugar doon ang nagyeyelo.

Kaya naman ilan sa mga aktibidad na ini-enjoy nina John Lloyd at Ellen ay skiing at snowboarding.


(John Lloyd with Ellen's brother Rico and wife Louise)

Kita sa mga larawang na-upload sa Instagram na kasama ni John Lloyd ang kapatid na lalaki ni Ellen at ang mga kaibigan nilang nag-e-enjoy sa nasabing activity.

Where's Ellen? ? . #ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyphoto

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

Where's Ellen? . #ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyphoto

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

Ngunit kapansin-pansing hindi sumasali si Ellen sa mga aktibidad, at tila pinapanood lamang ang boyfriend at mga kasama.

Marahil, inaalagan lamang ng soon-to-be parents na hindi mapagod si Ellen sa mga aktibidad upang hindi ito makaapaekto sa kanyang pagdadalantao.

Samantala, si John Lloyd na mismo ang nag-upload ng larawan nila ng girlfriend sa kanyang Instagram account.

John Lloyd and Ellen in Japan © Maria Elena Adarna's Facebook

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Lumipad ang magkasintahan sa Japan matapos lumabas ang ulat na diumano’y ikinasal sila noong bisperas ng Chinese New Year, February 15.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin napapatunayang may nangyari ngang church o civil wedding noong araw na yun.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna posts photo with John Lloyd Cruz in Japan
Ellen Adarna posts photo with John Lloyd Cruz in Japan
John Lloyd, Ellen fly to Japan amid wedding rumors
John Lloyd, Ellen fly to Japan amid wedding rumors
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN