Ariella Arida shares advice to Bb. Pilipinas 2018 hopefuls

IMAGE Rose Garcia

Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida shares advice to Bb. Pilipinas 2018 candidates: "Dapat enjoy lang nila. Pag nasa stage sila, do their best. Pag nasa stage, dapat nasa fighting form ka na. And at the same time, alam ng mga tao na you're having fun."


Isa sa mga nagbigay ng advice para sa mga bagong candidates ng 2018 Binibining Pilipinas ay ang 2013 Miss Philippines Universe na si Ariella Arida.

Nakaka-relate si Ariella sa mga candidates ng Binibining Pilipinas dahil naranasan din daw niya ang kaba sa pinagdaanan nilang screening, training at rehearsals.

Naging worth it naman daw ang lahat nang mapanalunan ni Ariella ang titulong Bb. Pilipinas-Universe noong 2013 at ni-represent niya ang bansa sa 2013 Miss Universe na ginanap noon sa Moscow, Russia.

Mas lalo raw kinabahan si Ariella noong matawag siya bilang isa sa mga semi-finalists haggang sa umabot siya sa Top 5.

Sa huli ay itinanghal si Ariella bilang 3rd runner-up.

Ang nanalo ng Miss Universe title noong taong iyon ay si Gabriela Isler ng Venezuela.

“Dapat enjoy lang nila. Pag nasa stage sila, do their best.

“Pag nasa stage, dapat nasa fighting form ka na.

“And at the same time, alam ng mga tao na you’re having fun,” pahayag ni Ariella sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na press presentation ng 40 candidates sa Novotel hotel sa Araneta Center, Cubao, Quezon City noong nakaraang February 21.

THANKFUL FOR WOWOWIN STINT. Inusisa naman ng media ang biglang pagkawala niya sa Kapuso game show ni Willie Revillame na Wowowin.

Sabay-sabay kasi sila ng mga co-hosts niyang sina Janelle “Kim Chi” Tee, Super Tekla, Donita Nose, Ashley Ortega, Yvette Corral, at Amal Rosaro na biglang nawala at pinalitan.

Bagamat hindi na niya naipalawang ang dahilan sa pagtanggal nila, sinabi na lang ng former beauty queen na sobra niyang nami-miss ang Wowowin at tanggap niya ang rason kung bakit nawala siya sa show.

“Dumarating talaga sa ganun, e.

“Nami-miss ko na rin yung show.

“Hindi naman masama ang loob ko.

“Naiintindihan ko ang lahat ng nangyayari.

“Malay mo one day, makita n'yo uli ako sa show na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ngayon, bakasyon muna.

“No hard feelings sa kanila.

“Sobrang thankful talaga ako sa Wowowin,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN