Karla Estrada asks netizen to stop comparing KathNiel with JaDine

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Karla Estrada responds to a netizen who compared KathNiel with JaDine. 


Sinagot ni Karla Estrada ang isang netizen na ikinumpara ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel sa love team nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine.

Pakiusap ng Magandang Buhay host, huwag ikumpara ang KathNiel sa iba pang love teams.

Nitong weekend ay nag-post si Karla sa Instagram ng picture nina Daniel at Kathryn, kasama ang co-star nila sa La Luna Sangre na si Richard Gutierrez.

Sa comments section, nagkomento ang isang netizen na sinabing mas talented ang KathNiel kumpara sa JaDine.


Agad namang sumagot si Karla at nakiusap sa netizen na itigil ang pamba-bash sa ibang love teams.

“Maging masaya na lang tayo sa blessings na patuloy na natatanggap ng Kathniel,” bahagi ng sagot ng ina ni Daniel.


Sinegundahan naman ng ilang netizens ang komento ni Karla.

Ayon sa netizens, may kanya-kanyang achievements ang mga tambalan.

Dagdag pa nila, sa pagkukumpara ng love teams nagsisimula ang awayan ng supporters ng mga love team.

Maging masaya na lang daw sa pagtatrabaho ng mga artistang ito para mapaligaya ang kanilang fans.



BUSY SCHEDULE. Samantala, nakatakdang magtapos ang La Luna Sangre ngayong linggo.

Kagabi, February 25, ini-launch sina Kathryn at Daniel bilang bagong ambassadors ng FrontRow Enterprise Philippines, Inc., isang direct-selling company ng health, beauty, and wellness products.

Ginanap ang launching sa SMX Convention Center, Pasay City.

Nakatakda namang lumipad ang KathNiel sa US nitong March para sa kanilang US Tour.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN