Nathalie Hart recounts incident when she was mistaken for a gay

IMAGE Noel Orsal

What was Nathalie Hart's reaction when a guy told her, "You know what, you look so great. Like, where did you had your surgery?"


Ikinuwento ng sexy actress na si Nathalie Hart nang minsang mapagkamalan siyang bakla na sumailalim sa cosmetic surgery.

Nangyari raw ito nang minsang may nakainuman siyang lalaki sa Amerika. 

Lahad ng Filipino-Australian actress sa February 25 episode ng Gandang Gabi Vice, “Nandun ako sa L.A. [Los Angeles], and then may lalaking lumapit sa akin.

"So, binibigyan niya ako ng drinks the whole night.

“Ta's sabi niya, ‘You know what, you look so great. Like, where did you had your surgery?’

"Akala nung lalaki, bakla ako!

“So, I was really stressed. Nagalit ako.

"Sabi ko, ‘Ano ka ba? Babae nga ako.’

“Nung gabi na yun, sabi ko, ‘Bahala ka sa buhay mo, kung tingin mo bakla ako o hindi.’

"Because the whole night, bakla kasi ang pagkausap ko sa kanya.

"And sabi niya, 'You look great. You know, I don’t mind. I would accept you.'"

Ibinahagi ni Nathalie na may dalawa siyang kapatid na gays, kaya’t posibleng nakuha raw niya ang mannerisms ng mga ito.

Pinuri naman ni Vice Ganda si Nathalie, na aniya ay may hawig kina Liza Soberano at Sarah Lahbati.

Ikinuwento rin ni Nathalie na siya ay nagsimula sa Star Magic Batch 16 at nakasabayan niya si Enrique Gil.

Pero una siyang nakilala nang sumali siya sa Kapuso artista search na StarStruck Batch 4 gamit ang pangalang Princess Snell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN