Angelica Panganiban indifferent to romantic advances

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban on opening up her heart to new romance: "Hindi ko alam, e, hindi ko siya iniisip."


Nagbigay si Carlo Aquino ng white roses kay Angelica Panganiban noong Valentine’s Day.

Pero bago yun ay nagpadala rin pala ng mga bulaklak sa aktres ang leading man niya sa That Thing Called Tadhana (2015) na si JM de Guzman.

Ayon kay JM, si Angelica ang tipo ng babae na binibigyan ng bulaklak kahit hindi Valentine’s Day.

Sa isang panayam kay JM ay sinabi nitong si Angelica ang tipo ng babae na binibigyan ng bulaklak kahit hindi Valentine’s day.

Reaksiyon naman dito ng aktres, “Sanay naman ako sa pambobola niya sa akin.

“Ever since naman, ganyan ang bola niya sa akin.

“Siyempre naa-appreciate mo naman yung importance na ibinibigay sa iyo, ng mga tao sa paligid mo.”

Ayon pa sa balita, may ilan pang gustong manligaw kay Angelica.

Pero sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ganun.

"Parang ngayon kasi, masaya, na yung sarili muna ang nagma-matter, yung sarili mo muna."
 
Puro taga-showbiz ang mga naging ex ni Angelica—mula kay Carlo, Derek Ramsay, at John Lloyd.

Dala na ba siya taga-showbiz?
   
Tugon niya, “Hindi ko alam, e, hindi ko siya iniisip.

“Mahirap namang bigyan ng limit ang sarili mo pagdating sa mga ganung bagay.

"Hindi mo alam kung kanino talaga, kung sino, kung nakilala mo na ba o makikilala mo pa lang.”

TADHANA SEQUEL? Totoo bang magkakaroon ng sequel ang pelikula nila ni JM na That Thing Called Tadhana?

Ayon kay Angelica, “Alam ko inaayos.

“Excited siyempre, kasi alam ko ibang layers na naman ang maaari niyang ipakita dito, di ba, sa mga susunod na projects na gagawin niya.

“Very exciting kasi siyempre ibang hunger ang puwedeng lumabas sa kanya ngayon pagdating sa acting.”

Kinumusta namin kay Angelica ang aktor since madalas silang nakikitang magkasama sa lakaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Parang mas okay siya ngayon.

“Siguro patagal nang patagal, mas rume-relax na siya makipag-communicate sa mga tao.

“Hindi na siya nahihiya uli, bumabalik na yung self-confidence niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN