Ryan Agoncillo slams basher's false story linking him to Marian Rivera

IMAGE Instagram @ryan_agoncillo

Ryan Agoncillo slams basher accusing him of having secret attraction to Marian Rivera.


Mariing pinabulaanan ni Ryan Agoncillo ang paninira ng isang basher na nag-uugnay sa kanya kay Marian Rivera.

Makikita ang mga alegasyon ng basher mula sa comments thread ng ibinahaging larawan ni Ryan na kuha habang siya ay naggigitara.

Dito inakusahan ng Instagram user, na may handle name na @mba125_389, na may lihim na pagtingin diumano si Ryan sa Kapuso Prime Time Queen.

Inuugnay rin nito si Ryan sa iba pang Kapuso actress na posibleng makapareha niya sa isang napipinto umanong teleserye ng Eat Bulaga! host.


Hindi pinalampas ni Ryan ang gawa-gawang kuwento ng basher.

Buwelta ni Ryan,"@mba125389 if you're gonna use this much words and space, you could at least level up and be more imaginative and intelligent."


Hindi kaila sa publiko ang masiglang relasyon ng mag-asawang Judy Ann at Ryan, na nakatakdang magdiwang ng kanilang ninth wedding anniversary sa April 28.

Gayundin si Marian at mister niyang si Dingdong Dantes na tatlong taon nang kasal at masaya sa kanilang buhay-pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN