Kristoffer Martin reveals struggles of being Alden Richards's close friend

IMAGE Noel Orsal

Kristoffer Martin (left) on friendship with Alden Richards (right): "Yung unang-una, mahirap… parang ang hirap maging malayang maging kaibigan, parang ganun. Pero ngayon, parang nasanay na kami. Nasanay na, tanggap na lang."


Tiniyak ni Kristoffer Martin na hindi apektado ang pagkakaibigan nila ni Alden Richards kahit minsan ay nadadawit ang kanyang pangalan sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa Pambansang Bae.

“No, no, no, no. Hindi, labas yun,” paniniguro ni Kristoffer.

Dagdag pa ng 23-year-old Kapuso actor-singer, “Kumbaga, sa amin kasi, hiwalay ang trabaho sa personal naming buhay.

“Kumbaga, andiyan kami bilang kaibigan, para sa isa't isa.” 

Ilang linggo lang  ang nakalilipas, na-bash si Kristoffer ng AlDub fans dahil sa kanyang makahulugang tweet tungkol sa pagbubuhat ng kamay ng babae sa lalaki.

Isang netizen ang malisyosong nagbintang na pinagbubuhatan diumano ng kamay ni Maine Mendoza si Alden.

Sina Alden at Maine ang bumubuo sa phenomenal love team na AlDub.

Dahil dito, maraming AlDub fans ang nagalit at hiningan ng paliwanag si Kristoffer.

Nilinaw naman ng aktor na nilagyan lang ng malisya ang kanyang tweet at wala siyang partikular na taong pinatatamaan.


Stories We Are Tracking

Kristoffer explains tweet that caused AlDub fans uproar
Kristoffer explains tweet that caused AlDub fans uproar

Pero ano ang reaksiyon ni Alden kapag naba-bash silang mga kaibigan niya ng fans?

Ayon kay Kristoffer, “Humihingi siya ng pasensiya, e.

"Humihingi siya ng pasensiya, na siya na rin ang nagsasabi na, ‘Huwag na kayong mag-post regarding sa mga labas, sa mga lakad. Para hindi na rin maano.’

"Kasi sobrang concerned din niya, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa pocket press conference para sa kanyang second single na “Paulit-Ulit,” na ginanap sa GMA Network Center nitong Lunes, February 26.

Ang "Paulit-Ulit" ang theme song ng Korean drama na Fight For My Way, na umeere ngayon sa GMA-7.  

STRUGGLES OF ALDEN'S FRIENDS. Dahil nadadawit ang kanilang pangalan, inamin ni Kristoffer na noong una ay nahirapan silang malalapit na kaibigan ni Alden.

Aniya, “Biglang ang daming nagtu-tweet sa ‘yo, ganito-ganito.

"Yung unang-una, mahirap… parang ang hirap maging malayang maging kaibigan, parang ganun.

“Pero ngayon, parang nasanay na kami. Nasanay na, tanggap na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuto raw silang mas pahalagahan ang pagkakaibigan nila sa mga batikos ng netizens.

“Tsaka hindi naman ibig sabihin na may mga fans silang aggressive, hindi naman din ibig sabihin hindi kami puwedeng maging magkaibigan.

“Kumbaga, ang dami naming kaibigan, yung circle namin—Alden, Rodjun [Cruz], Bea [Binene]... nagha-hiking pa po kami.”

Inaalala na lang daw nila ang mga restriksyon para walang isyu.

“Yun lang, minsan mare-restrict kaming mag-post, kasi baka may masabi ang tao.

“Kumbaga, sa aming circle of friends, 'Mas maganda na tayo-tayo na lang may alam. Huwag na tayong mag-post para wala nang masabi. Mas maganda nang lumalabas tayong tahimik.'

“Ganun na ang usapan,” saad ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN