Robin Padilla shoves foreigner for shooing Pinay fan in Hong Kong

IMAGE Noel Orsal / You Tube (Pinoy News Blogger)

Robin Padilla became angry after a foreign guy shooed a Filipina who wanted to have a selfie with the actor in Hong Kong.


Hindi nagustuhan ni Robin Padilla ang pagpapaalis ng isang banyaga sa isang Pinay na nais magpa-picture kasama ang aktor.

Sa kumalat na video sa YouTube, mapapanood at maririnig sa simula ang 48-anyos na action star na magiliw na pinauunlakan ang ilang Pinay na nagre-request sa kanya para magpa-picture.

Makikitang si Robin pa ang humawak ng cell phone para sa selfie kasama ang isang Pinay.

Sa pangalawang Pinay, habang pinauunlakan ni Robin ang babae ay biglang sumingit ang isang foreigner na lalaki na gusto ring magpa-picture sa Pinoy actor.

Sinenyasan ng foreigner ang Pinay na umalis para siya muna ang magpa-picture.

Halatang hindi ito nagustuhan ni Robin.

Itinulak ng aktor ang lalaki at sinabihang “Don’t do that to my countryman, okay?!”

Maririnig naman ang foreigner na humingi ng paumanhin.

Sagot ni Robin, “Don’t push her!”

In-upload ang nasabing video sa Philippine News Blogger nitong weekend.

Base sa Facebook account ng bida ng daytime teleseryeng Sana Dalawa ang Puso, nagtungo kamakailan si Robin sa Hong Kong para magbigay ng speech sa OFWs hinggil sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang event ay sponsored ng non-government organization na binubuo ng mga grupong sumusuporta sa Pangulo.

Si Robin ay kilalang solid supporter ni Pangulong Duterte.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa management ni Robin para sa reaksiyon hinggil sa nangyaring insidente, pero hindi pa sila sumasagot habang isinusulat ang balitang ito.

Agad na ilalathala ng PEP.ph sa oras na magbigay ng reaksiyon ang kampo ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN