Mikael Daez on handling LQs with Megan Young: "Minsan ang dami ko nang sinasabi, tapos tahimik lang siya."

IMAGE Rachelle Siazon

Mikael Daez on open communication with girlfriend Megan Young: "I believe if you're completely honest—not just 99 percent, not 98 percent, but 100 percent honest with everything—yes, magkakaproblema kayo, pero mas madaling ayusin kasi nakalatag na lahat."


Ibinahagi nina Megan Young, 28, at Mikael Daez, 30, na sa loob ng pitong taon nilang relasyon ay nasa estado sila na kuntento at masaya.

Ayon kay Megan, kay Mikael niya natutunan ang mas maging bukas sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman.

Pahayag ni Miss World 2013, “I’m more shy, I’m not really showy with my feelings.

"Even with our first couple of years together, he was teaching me how to be more honest to him and the people around me and to myself.

“He plays a big part in that, in the openness of the communication in our relationship.”

Naniniwala raw kasi si Mikael na madalas nagiging “puno’t dulo ng mga away” ay ang pagtatago ng feelings o pagiging passive-aggressive sa relasyon.

Pagsasahalimbawa ni Mikael, “Galit ako sa ‘yo, pero hindi ko ipapakita sa ‘yo, you read my mind, and you figure out galit ako sa ‘yo. Madaming ganun.

“And then after that, pag hindi mo mabasa yung nararamdaman ko, mas nagagalit ako sa ‘yo. Mas magagalit ka sa akin.

"Tapos ikaw, yun din ang gagawin mo sa akin, basahin mo rin ako.

“So ngayon, wala nang nangyayari. 'Tapos, nagkakapatung-patong na ‘yan.

"Then, eventually, wala na."

100% HONESTY. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala si Mikael na kailangang ang magkasintahan ay “100 percent honest” sa isa’t isa.

Hindi man ito garantiyang makakaiwas sa problema, pero mas madali raw solusyunan kung nakalatag lahat ng isyu.

Kapag mayroon silang alitan, sino ang unang nagso-sorry?

Sagot ni Megan, “Depende naman.

"But most of the time, I’m really quiet because I don’t know how to tackle my emotions, how to tackle a situation."

Ayon kay Mikael, “Hassle, kasi minsan andami-dami ko nang sinasabi, tapos tahimik lang siya.”

Aminado si Megan na hindi siya kumportable sa kumprontasyon.

Paliwanag niya, “I get anxious when somebody’s mad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even though I’m in the wrong, ako yung, ‘What do I do?’ Then I clam up.

“Everything’s on the tip of my tongue. I don’t know. That’s how I am as a person.

“And that’s what makes yung mga away namin hindi high energy.”

Pero madalas ay nadadaan nila sa maayos na usapan ang gusot sa kanilang relasyon.

Ani Mikael, “Kasi kung sa tingin mo bed of roses ang mga relationship, that’s not true.

"Part of being in a relationship is the ups and downs and getting through the ups and the downs."

Masayang nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang Mikael at Megan sa presscon ng Kapuso Panagbenga 2018, na ginanap sa Outlook Ridge Hotel, sa Baguio City.

Bilang lead stars ng bagong afternoon drama series na The Stepdaughters, pinangunahan nila ang float ng GMA-7 para sa annual Panagbenga flower festival sa Baguio.

WEDDING BELLS? Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph, natawa si Mikael nang tanungin kung balak na nilang magpakasal ni Megan.

Nagbiro kasi ang PEP.ph na puwede nang magpamilya si Mikael ngayong bagong-lipat siya sa sariling three-bedroom property.

Sagot ni Mikael, "Huwag muna!

“I don’t know if you guys know, but I have eight brothers and sisters.

“Yung pinakabunso namin is turning four in March. Parang ako yung nagpalaki sa kanya along with my other brothers and sisters.

"But since I’m one of the older ones, ako talaga nag-aalaga sa kanya.

“And, man, raising kids? Ang hirap!

"Sa lahat ng mga magulang diyan, ang galing niyo! Sobrang hirap pala.”

Biro pa ni Mikael, kasalanan ng Instagram-worthy family pictures kung bakit nagmumukhang puro saya lang at madali ang buhay-pamilya.

Pagsang-ayon ni Megan, “You always see the nice parts.

"But, I think, because of that, we realized, maybe huwag muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, inasar ni Mikael si Megan at sinabing, “Anong huwag muna?”

Sagot ni Megan tungkol sa pagpapakasal, “Ako, huwag muna ako.”

Pero gusto ni Mikael na bigkasin ni Megan ang salitang kasal kaya biniro niya ulit ito, “Huwag muna yung ano?”

Nang makuha ni Megan ang nais tumbukin ni Mikael, natawa na lang ang Kapuso actress at sinabing, “Read between the lines.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN