Bumiyahe patungong Japan kahapon, February 27, ang magkasintahang Kim Domingo at Michael "Mike" Acuña.
Hindi man sila nagpu-post sa Instagram ng larawang magkasama, kapansin-pansing pareho sila ng pinapasyalang lugar.
Nag-post din si Mike sa Instagram ng kuha nila sa airport kung saan magkahawak-kamay pa sila ng girlfriend.
Hindi man nag-react si Kim o nagbigay ng pahayag tungkol sa video scandal ng boyfriend, makikita sa larawang walang nagbago sa kanilang relasyon.
Kagaya nga ng sinabi ni Mike sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo, alam ni Kim ang video scandal niya bago pa man naging sila.
Noong 2009 pa raw kuha ang nasabing video, at pati pamilya niya ay alam din daw ito at nakasuporta sa kanya.
Diin pa ni Mike, wala naman mawawala sa kanya dahil lalaki siya.