John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon on the set of The Good Son

IMAGE File / @missmylenedizon on Instagram

Mariing pinabulaanan ni John Estrada ang ulat na diumano'y sinaktan niya ang co-star na si Mylene Dizon sa magkahiwalay na eksena nila sa teleseryeng The Good Son.


Mariing itinanggi ni John Estrada ang akusasyong pananakit at pananantsing sa co-star niya sa ABS-CBN prime time series na The Good Son na si Mylene Dizon.

Ito ang reaksiyon ng 44-year-old actor sa ulat na lumabas sa "Adore Me!" column ni Ador Saluta sa tabloid na Bulgar, kahapon, Pebrero 28.

Ayon sa kolum ni Saluta, base sa pakikipag-chat niya sa kanyang "FB source," dalawang beses umanong nasaktan ni John si Mylene habang ginagawa nila ang magkahiwalay na eksena.

Sa isang eksena, "sinikmuraan" umano ng aktor ang co-star na babae na ikinabigla ng huli.

Base pa sa ulat, "Hindi kasi ito daya at mukha raw tinotoo ng aktor."

Bago ito, "nasampal" din daw ni John si Mylene sa isa pa nilang eksena na "ikinairita" ng aktres.

Sinabi rin ng source ng kolumnista na "may personal daw na problema" ang aktor at baka nadadala nito sa kanyang mga eksena.

Papatayin na rin daw ang karakter ni John sa teleserye "dahil nagiging problema" ito sa taping.

JOHN ESTRADA'S ANSWER. Kagabi, naglabas ng mensahe si John sa kanyang Instagram account (john_estrada) upang mariing pasinungalingan ang lumabas na ulat.

Kalakip ang screen shot ng kolum na lumabas sa Bulgar, binuweltahan ng aktor si Saluta at pinagbantaan ding idedemanda.

Nanggagalaiting pahayag ni John, “D ko basta basta pinapatulan ang mga ganitong kababaw na write up pero d ko ata kaya ang pagsisinungaling ng matandang reporter na to....

"ogag ka at napakasinungaling mo.... at kung sino man ang source mo e isa ring ogag yon na katulad mo..."

Itinanggi ng aktor na sinaktan at tsinansingan niya si Mylene sa taping ng The Good Son.

Saad niya, “Sa tanang buhay ko hinding hindi ako nanakit ng babae dahil pinalaki ako ng nanay at tatay ko ng Tama....

"at sa 30 yrs ko sa industriyang ito ni minsan d ako nireklamo ng mga leading ladies ko na nananyansing ako....dahil hindi ako ganon..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni John na may problema sila ng asawang si Priscilla Meirelles.

“At higit sa lahat.... masaya kame ng ASAWA ko at wala kameng problema...."

Pagbabanta pa niya sa kolumnista, "ihanda mo na ang abogado mo dahil kakasuhan kita.... ogag ka...."

Sabi ni John sa huli, "pasensya nasa mga followers ko... wala lang kasing katotohan ang sinulat nitong matandang to e... diyos na lang ang bahala sa kanya....."

D ko basta basta pinapatulan ang mga ganitong kababaw na write up pero d ko ata kaya ang pagsisinungaling ng matandang reporter na to.... ogag ka at napakasinungaling mo.... at kung sino man ang source mo e isa ring ogag yon na katulad mo.... sa talang buhay ko hinding hindi ako nanakit ng babae dahil pinalaki ako ng nanay at tatay ko ng Tama.... at sa 30 yrs ko sa industriyang ito ni minsan d ako nireklamo ng mga leading ladies ko na nananyansing ako....dahil hindi ako ganon.... at higit sa lahat.... masaya kame ng ASAWA ko at wala kameng problema.... ihanda mo na ang abogado mo dahil kakasuhan kita.... ogag ka.... pasensya nasa mga followers ko... wala lang kasing katotohan ang sinulat nitong matandang to e... diyos na lang ang bahala sa kanya..... salamat nga pala sa kaibigan ko na nagpadala nito sa akin....

A post shared by John S. Estrada (@john__estrada) on

Sa kasalukuyan ay wala pang reaksiyon si Saluta hinggil sa pagbabanta ni John.

EARLIER REPORTS. Bago ang report na ito sa Bulgar at sagot ni John, may lumabas nang ulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng diumano'y nangyaring insidente sa pagitan ng aktor at ni Mylene.

Sa PEP Alerts item na pinamagatang "John Estrada at Mylene Dizon, nagkainitan sa set ng The Good Son?", na nailathala noong Pebrero 25, si Mylene ang sumampal kay John. Taliwas ito sa ulat na lumabas sa Bulgar.

Ito ay dahil may mga sinasabi raw ang aktor na hindi nagustuhan ng aktres.

Tila nabastusan na raw si Mylene sa inaasal ni John sa kanya kaya hindi ito nakapagpigil at nasampal ang aktor.

Iyon din daw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na bumalik sa taping si John, kaya papatayin na ang karakter nito sa teleserye.

Bukas ang PEP.ph sa mga taong nabanggit sa artikulong ito kung may paglilinaw sila hinggil sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN