John Estrada gets support from wife Priscilla Meirelles and friend Derek Ramsay

IMAGE Noel Orsal / @primeirelles on Instagram

Pinabulaanan nina Derek Ramsay at Priscilla Meirelles ang ulat na lumabas sa isang tabloid tungkol sa diumano'y hindi magandang asal ng aktor na si John Estrada sa set ng The Good Son. Ayon sa ulat, natsantsingan at nasaktan daw ni John ang co-star na si Mylene Dizon sa ilang eksena sa teleserye. 


Nakahanap ng tagapagtanggol ang aktor na si John Estrada sa katauhan ng misis niyang si Priscilla Meirelles at kaibigang si Derek Ramsay.

Ito ay kaugnay ng alegasyong totohanan daw na sinaktan ni John ang co-star na si Mylene Dizon sa taping ng ABS-CBN prime time series na The Good Son.

Maliban dito, tsinansingan din daw ng aktor ang aktres.

Lumabas ang nasabing report sa "Adore Me!" column ni Ador Saluta sa tabloid na Bulgar kahapon, Pebrero 28.

Mariin naman itong itinanggi ni John sa pamamagitan ng kanyang mensahe sa Instagram kagabi.

Ayon sa 44-year-old actor, hindi siya nananakit ng babae dahil pinalaki siya nang tama ng kanyang mga magulang.

Depensa pa ni John, sa 30 taon niya sa showbiz, wala raw nagreklamong leading ladies niya ng kabulastugan laban sa kanya.


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon

DEREK & PRISCILLA. Sa Instagram post ni John, parehong nagkomento ang kaibigan niyang si Derek Ramsay at misis na si Priscilla Meirelles.

Ipinagtanggol ng dalawa si John mula sa alegasyon.

D ko basta basta pinapatulan ang mga ganitong kababaw na write up pero d ko ata kaya ang pagsisinungaling ng matandang reporter na to.... ogag ka at napakasinungaling mo.... at kung sino man ang source mo e isa ring ogag yon na katulad mo.... sa talang buhay ko hinding hindi ako nanakit ng babae dahil pinalaki ako ng nanay at tatay ko ng Tama.... at sa 30 yrs ko sa industriyang ito ni minsan d ako nireklamo ng mga leading ladies ko na nananyansing ako....dahil hindi ako ganon.... at higit sa lahat.... masaya kame ng ASAWA ko at wala kameng problema.... ihanda mo na ang abogado mo dahil kakasuhan kita.... ogag ka.... pasensya nasa mga followers ko... wala lang kasing katotohan ang sinulat nitong matandang to e... diyos na lang ang bahala sa kanya..... salamat nga pala sa kaibigan ko na nagpadala nito sa akin....

A post shared by John S. Estrada (@john__estrada) on

Mensahe ni Derek para sa golfing buddy niya, “Brother we all know the truth. This reporter should do his job properly. Bastos at walang breeding ang tao na yan.”


Samantala, tinawag naman ni Priscilla na "sick and baseless" ang alegasyon laban sa kanyang mister.

Mensahe ng Brazilian beauty queen, “Oh my Gosh! Ano ba to?! Lord... how SICK and BASELESS can this 'writer' be! SHAME on him!!!!

"He may be able to afford a lawyer but God’s justice has NO MERCY!"

Kasunod nito ay nag-quote pa ang Miss Earth 2004 ng verse mula sa Bible.

"ROMANS 12:19 ...'Vengeance is mine, I will repay, says the Lord.' PROVERBS 12:22 The Lord detests lying lips..."


Humingi na ng statement ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamunuan ng Bulgar ngunit hinihintay pa raw nila ang payo ng kanilang abugado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN