Donna Cruz says reunion project with Regine Velasquez, Mikee Cojuangco not yet possible

by Melba R. Llanera
Mar 1, 2018
Donna Cruz is happy that there continues to be a clamor for her and Do Re Mi co-stars Regine Velasquez and Mikee Cojuangco to reunite for a project. But the Cebu-based mom of two said she can't stay in Manila to do one. "Magiging miserable ako kasi sobrang attached sa akin yung mga anak ko."

Isa sa inabangan at pinalakpakan saR3.0 concert ni Regine Velasquez noong October 2017 ay ang song number nina Regine Velasquez, Mikee Cojuangco, at Donna Cruz.

Inawit nila ang “I Can,” ang theme song ng sikat nilang pelikulang Do Re Mi noong 1996.

Kasunod nito, marami tuloy ang nagnanais na magsama silang muli sa isang concert o pelikula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Donna sa Ajinomoto Crisy Fry Playday, kasama ang dalawang anak niyang sina Cian at Gio.

Ginanap ito sa Trampoline Park, The Portal sa Greenfield District, Mandaluyong City, noong February 24.

Dito ay nagpahayag ng saya ang dating singer-actress na nagkasama muli silang tatlo sa iisang stage sa nakaraang concert ng Asia’s Songbird.

Ani Donna, “Sobra, nung nalaman ko pa lang na magkakasama kami, sobrang excited na ako and sobrang kabado.

“Nung lumabas kami, parang grabe yung goosebumps, kasi sobrang ang tagal na, e.

“Sobrang love ko ang mga friends ko, ilan lang sila na talagang naging kaibigan ko sa showbiz na masasabi mo na sila ang mga totoong tao.”

??????

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzyl) on

NEW PROJECT? Sa hiling naman ng mga tagahanga na magsama-sama silang muli sa isang proyekto, ayon kay Donna, wala pa siyang tsansa na matupad ito.

Pahayag niya, “Hind ko alam, siguro kami nagho-hope.

"Kasi minsan, pag umaasa ka, nag-e-expect ka, madi-disappoint ka lang.

“Nakakatuwa, ang dami kasing nagme-message sa amin, nagre-request.

“Yung screenshots namin, 'O 'yan, may nagre-request.'"

Patuloy ni Donna, “Sa amin talaga, like [pag] pumunta sila sa Cebu or ako pumunta lang sa Manila, sasabihan ko sila pag may invite, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Enough na sa amin yung ganun.”

REGINE'S VISIT IN CEBU. Masaya si Donna na tuluy-tuloy pa rin ang pagkakaibigan nila nina Regine at Mikee.

“Mayroon kaming Viber group, as in Donette, Reggie, and Miki talaga ang pangalan,” ani Donna, na ang tinutukoy ay ang pangalan ng kanilang mga karakter sa Do Re Mi.

“Sa akin, happy and blessed na ako na nagkakaroon ng opportunity na nagkakasama-sama kami."

Kuwento pa niya, "Recently lang, si Reg, bumisita sa akin.

"Touched ako sa effort niya kaya sobrang tagal naming nag-chikahan."

Naging matagumpay ang pelikulang Do Re Mi at tumatak ito sa mga manonood at fans.

Sa mga kabataang artista ngayon, sinu-sino ang nakikita ni Donna na puwedeng mag-remake ng pinagbidahang pelikula?

Sagot ng mom-of-two, “Nakakatuwa, pero siyempre hindi naman natin mapapangunahan kung sino man yung mga nagpaplano sa ganyan.

“Marami naman kasing magagaling na singers, magagaling na artista, so mahirap kung ako lang ang magsasabi at pipili.”

SHOWBIZ COMEBACK. Maraming artista at singers ang umalis sa showbiz, pero sa huli ay bumalik din.

Si Donna ba ay may balak ding magbalik-showbiz?

Tugon niya, “Paganito-ganito, pa-singing-singing, pero para sabihin talagang balik na full time, kasi you cannot stay here naman in Manila for good.

“My family is in Cebu, so mga ganito lang.”

Dugtong niya, “Depende siguro sa schedule.

“Mahirap mag-commit, kasi I cannot leave my kids for a long time.

“Magiging miserable ako kasi sobrang attached sa akin yung mga anak ko.”

Kasagsagan ng career ni Donna nang magpakasal kay Yong Larazabal, at iniwan ang showbiz upang manirahan sa Cebu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala raw siyang pagsisisi sa naging desisyon.

“Masaya, kasi ito naman talaga ang dream ko, e, maging mommy.

“Sobrang mahal na mahal ko ang mga anak ko and my husband.

“Ito talaga yung dream life ko, so wala akong regrets-regrets.

“Of course, nami-miss ko ang singing, kasi singing talaga ang first love ko, so I miss singing.

“Nakakatuwa lang ang asawa ko, pinagawan talaga ako... nakita nga ni Reg.

“Yung music room ko, may stage pa.

“'Tapos nakita dun ni Reg yung mga trophies, awards, [album] covers, 'tapos nakita niya yung stage.

“Sabi ko, 'Reg, pag nandito si Miks, dito tayo kakanta sa stage na ‘yan.'”

Tinanong din ng PEP.ph si Donna kung papayagan ba niya kung sakaling may isa sa mga anak ang magdesisyon na pumasok din sa showbiz, lalo’t nagpahayag ng interes ang bunsong anak na si Gio na may talento rin sa pagkanta.

Sagot ni Donna, “Kung papapayagan ko sila, mahihirapan sila.

“E, Cebu kami, paano yun?

“Ako naman kasi, ako yung cool na mom.

“Si Yong, yung husband ko, siya yung strict, siya yung mas disciplinarian sa amin.

“Balanse naman, hindi naman puwedeng pareho kayo na ganito.

“Mahirap, siguro basta makatapos ng pag-aaral.

“By that time, hindi mo na alam kung mayroon pang career kang aabutan sa showbiz, pero yun nga, bahala na kung saan sila happy.

"Pero sa ngayon talaga, studies [muna]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donna Cruz is happy that there continues to be a clamor for her and Do Re Mi co-stars Regine Velasquez and Mikee Cojuangco to reunite for a project. But the Cebu-based mom of two said she can't stay in Manila to do one. "Magiging miserable ako kasi sobrang attached sa akin yung mga anak ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results