Angelica Panganiban names Jennylyn Mercado as peg to overcome heartbreak

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban shares her insight on moving on from a heartbreak: "Embrace nila yung pain kasi bawal mag-skip ng steps. Kailangan pagdaanan mo pa rin ang lahat, kung hindi... di ka matututo."


Marami ang curious kung bukas na ba si Angelica Panganiban na mapatawad at makipagkaibigan sa mga ex niyang nakasakit sa kanya.

Tatlo ang naging exes ng aktres mula sa showbiz.

Una na rito ang dramatic actor na si Carlo Aquino, ang hunk actor na si Derek Ramsay, at ang Box Office King na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Angelica, “Oo naman, napatawad ko na sila."

Pero puwede kayang maging kaibigan niya muli alinman sa naging kasintahan niya?

Sagot ng Kapamilya actress, "Friends? Hindi, siguro.

“Depende yun sa tao, kung hindi naman kayo nagkasakitan, bakit hindi?

“Pero kung nagkasakitan, iwasan mo na lang.”

May nagtanong kay Angelica kung kanino niya makukumpara ang kaniyang karanasan sa pag-move on mula sa recent breakup.

Dito ay napili niya si Jennylyn Mercado.
  
Sabi ng Kapamilya actress, “Snooky [Serna] nung start, pero Jennylyn Mercado na ako, ultimate survivor.”

Si Jennylyn ay marami-rami na ring karanasan sa pag-ibig, at ngayon ay nakabalikan ang kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa kaso naman ni Angelica ay nagiging malapit sila ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Carlo.

HOW TO GET OVER IT. Ano ang aral na natutunan niya na puwede ibahagi sa mga taong dumadaan ngayon sa sakit ng nabigong relasyon?

Lahad ni Angelica, “Embrace nila yung pain kasi bawal mag-skip ng steps.

“Kailangan pagdaanan mo pa rin ang lahat, kung hindi, babalik at babalik ka sa lahat na dapat mong pagdaanan.

“Dahil hindi ka matututo, kumbaga, babagal.

“Dinadahan-dahan mo lang yung gusto mong ma-achieve na maka-move on ka talaga.”

Kumusta ang estado ng puso niya ngayon? Handa na ba siyang sa panibagong pakikipagrelasyon?

Tugon ni Angelica, “Kalmado lang siya. Lumilipad siya, ganun.

“Relationship? Hindi pa, e. Natatakot pa akong kiligin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN