Donny Pangilinan dismisses "gamitan" issue with Kisses Delavin

IMAGE Noel Orsal

MYX VJ Donny Pangilinan prefers not to engage with bashers. He explains, "If you engage, mas papatol pa sila, e. So just don't mind them, and just ignore them. Don't let it get to you kasi if you let it get to you, mapi-feel mo talaga yung stress, so huwag na.""


All out ang suporta ng MYX VJ na si Donny Pangilinan sa first solo concert ng dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin.

Nitong February 24 ginanap ang concert ni Kisses na may titulong Confidently Kisses sa Kia Theatre, Quezon City.

Kasama ni Donny na nanood ng concert ang kanyang ama na si Anthony Pangilinan at ilang pinsan.

Ngunit ipinagtaka ng DonKiss fans kung bakit hindi nag-perform si Donny sa concert ni Kisses.

Ang Pinoy Boyband Superstar finalist na si Tony Labrusca, na isa rin sa naipapareha ngayon kay Kisses, ang isa sa naging special guest nito.

Ayon kay Donny, wala naman kaso sa kanya kung hindi siya naimbitahan mag-perform sa concert ni Kisses.

Pahayag ng 20-year-old host/singer, "Wala naman nagsabi sa akin, so wala, it just didn't happen.

"I think they've been to a lot of projects together so they chose Tony, and magaling naman talag si Tony, e."

Kukunin ba niya ang pagkakataong mag-perform kasama si Kisses kung sakaling maimbitahan siya?

Sagot ni Donny, "Hindi ko pa alam, kasi hindi ko alam ang ipe-perform namin, e.

"And we didn't really have projects together at that time, so baka medyo awkward, kasi wala pa kaming trabaho together.

"But now we have a project together, so let's see what happens in the future."

Pinasinungalingan din ni Donny ang akusasyon ng ilang netizens kay Kisses na ginagamit lang daw siya ng dalaga upang sumikat.

Pahayag niya, "I don't think anyone's using anyone.

"We're just put in this position by different kinds of people.

"Siyempre, we're in the industry and we have to be flexible.

"Sometimes, we're just in this position and we're not using anyone.

"So, I think, we just have to keep on focusing on our work and our supporters, and it's gonna be okay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Donny sa launch ng MYX Music Awards 2018 nitong Miyerkules, February 28, sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DONKISS LOVETEAM. Masaya raw si Donny sa suportang natatanggap mula sa DonKiss fans.

Ngunit ayaw niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng fans niya at fans ng Tony at Kisses loveteam o mas kilala sa tawag na TonKiss.

"I think, well, the fact that they're supporting us in general, I'm just very happy about that.

"I don't wanna go into, like, fighting with anyone, and sobrang thankful lang ako.

"I'm friends with Tony, he's a very nice person.

"And, of course, Kisses is a very genuine and nice person.

"I don't know, I think, mangyayari talaga yun.

"I think that's just how it is but I'm very happy with this position."

Hindi naman na daw pinapansin ni Donny ang pamba-bash na natatanggap niya sa social media.

Paliwang ng MYX VJ, "Kasi if you engage, mas papatol pa sila, e, so just don't mind them, and just ignore them.

"Don't let it get to you kasi, if you let it get to you, mapi-feel mo talaga yung stress.

"So, huwag na."

Sa ngayon, ikinatutuwa ni Donny na mas nakikilala pa niya si Kisses.

Kuwento ni Donny, "We'd see each other some times, ngayon kasi every Sunday nasa ASAP Chillout kami, so we get to talk.

"And we're friends now.

"I think she's a very genuine person and parang totoo lang talaga siya."

Sa mga susunod na araw ay magsisimula na rin ang shooting nila para sa upcoming millennial film ng Regal na Walwal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN