Luis Manzano engages in Instagram banter with netizen over "funny" video

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on netizen who accused him of being insensitive over his Instagram post: "I can post a blank pic and still create a stir... You tend to look for something you can focus on and blow out of proportion."


Nakipagsagutan si Luis Manzano sa isang netizen kaugnay ng video na ipinost ng actor-host sa Instagram ngayong Biyernes, March 2.

Sa naturang video clip, mapapanood ang apat na lalaking naglalaro ng karera, pero sa halip na normal na pagtakbo ang ginawa, tila "zombie" ang ginawang kilos ng mga iyo.

Caption dito ng 36-anyos ng Kapamilya actor-TV host, “Pinaka bagong zombie race, sino mahuli panalo.”

Pinaka bagong zombie race, sino mahuli panalo ????????????

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Sa comment section, isang netizen ang pumuna sa post na ito ni Luis.

Hindi nagustuhan ng netizen na tila ginawang kakatawan ng TV-movie personality ang mga may kapansanan.

Sabi pa ng netizen kay Luis, “By posting videos like this to seemingly draw laughter, you willingly or unwillingly contribute to normalizing this ugly behavior of laughing at other’s misfortune.”


Sagot ni Luis, ang paghahambing ng netizen sa zombie race sa mga may kapansanan ay isa ring uri ng diskriminasyon.

Dagdag pa ng I Can See Your Voice host, “By calling them disabled instead of differently abled, aren’t you also judging that they are less or lacking?”


Muling sumagot ang netizen: "you probably live in a bubble if your first and only thought is that it's a zombie race."


Sabi naman ni Luis sa netizen, "you are a social media keyboard warrior looking for meaning in your life so you find causes to fight or create them.”  


Sa pinakahuling mensahe ng netizen, sinabi nitong may gusto lang siyang iparating sa aktor.

Dagdag pa niya, “things like this can be seen in a different sensitive light. And I think anyone’s public platform is better off without that.”

Pero maaari naman daw gawin ni Luis ang anumang gusto nito sa kanyang account.


Buwelta rito ni Luis, ang social media warriors ay mayroon at mayroong makikitang mali kahit sa post na wala siyang ibig pakahulugan.

“I can post a blank pic and still create a stir for those people. You tend to look for something you can focus on and blow out of proportion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ni Luis sa netizen, “just unfollow my account, and find another cause.”

Banat pa niya, “you are talking about sensitivity yet call them ‘disable.’ O….k”


Sa iba pang comments, may mga netizen na nagsabing hindi nila nai-connect ang video sa mga taong may kapansanan.

Tanong pa ng isa, insensitive ba siya dahil natawa siya sa video.

Punto naman ng isa pang netizen, mas nakakabahala ang isang video ngayon na kumakalat kung saan pinagkaisahan at sinaktan ang isang batang babae ng kanyang mga kaklase dahil sa selos.

May mga nagpasalamat naman kay Luis dahil napasaya niya ang mga ito dahil sa kanyang post.




Sa mga bumibisita sa Instagram account ni Luis, alam nilang karamihan ng posts niya ay videos na nakakatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN