Archie Alemania wants to settle down with girlfriend Gee Canlas: "Bibili kaming bahay and then we get married."

by Rey Pumaloy
Mar 3, 2018
Archie Alemania serious about relationship with Gee Canlas: "Ang tanda ko na para magpa-tweetums pa."

Mas masaya ngayon sa kanyang love life si Archie Alemania.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyante sa presscon ng bagong lalabas na GMA series na Ang Forever Ko’y Ikaw, na pinagbibidahan nina Camille Prats at Neil Ryan Sese.

Ginanap ang presscon noong March 1, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nag-glow ang mga mata nito nang mapag-usapan ang reconciliation nila ng aktres na si Gee Canlas.

Saad ni Archie tungkol sa status ng kanyang love life, “Ngayon sobrang happy. Yes, si Gee Canlas.

"Five months na kami yesterday [March 1].

"Yesterday, pumunta lang kami sa Dessert Museum sa may Conrad Hotel kasi mahilig sya sa mga desserts.

“Hindi tabain yun,” ang paglalarawn niya sa pangangatawan ng kasintahan.

A post shared by Gee Canlas (@geecanlas) on


Sa pagpapatuloy niya, “Sexy pa rin yun. Kung ano ang katawan niya dati, five years ago, ganun pa rin ngayon.”

Limang taon na ang nakalipas nang nag-break sina Archie at Gee matapos ang dalawang taon nilang relasyon.

Continue reading below ↓

Ayon sa Bubble Gang mainstay, muli lang silang nagkabalikan noong nakaraang taon.

Hindi mo ba binilang uli yung dalawang taon niyong relasyon?

“Ay hindi,” mabilis nyang sagot.

“She was a different person back then. I was different person now. So malaki ang pingkaiba. So parang panibagong Gee at panibagong Archie.”

Sa isang unusual place raw sila nagkitang muli ni Gee, ayon pa sa komedyante.

“Sa patay,” banggit niya. “Nakita ko siya uli sa wake ni Tito Boy Asistio," na dating mayor Caloocan City at partner ni Nadia Montenegro.

"Hindi pa kami nag-usap until I messaged her after a year later.

"And then we talked. Nagkataon naman na wala siyang boyfriend, wala akong girlfriend. Ako yung huling boyfriend niya. After five years, wala siyang naging boyfriend.

“Siguro nga para kami sa isa’t-isa.”

After five years, paano niya niligawan uli si Gee?

Simula niyang kuwento, “The usual, dinner out. Unang kita namin uli, nag-dinner kami.

Continue reading below ↓

"Bakit kailangan ko pa raw siya makita, bakit kailangan naming mag-usap?

"I presented agad kung ano yung intensiyon ko. Sabi ko, I still have feelings for you and kung meron rin lang din sa iyo, can we try to see things kung mag-work out.

"Just give another shot.”

Nahirapan kang manligaw sa kanya?

“Hindi. Hindi naman. Kasi first, right off the box, sinabi ko kung ano yung intensiyon ko na may feelings ako for you. I still have feelings for you.

"Sinabi niya rin na parang meron din naman siya kahit paano.

"So doon pa lang, parang, 'Okey, let’s try kung mag-work tayo, let’s see, dinner tayo, labas-labas.'"

Inamin naman ni Archie ang pagnanais niyang mapakasalan ang kasintahan.

Sabi pa nya, “Yun ang goal namin. Ang tanda ko na para magpa-tweetums pa. Siguro kung ito na yung relasyon na gusto ko, parang I’ve worked on it.”

Nagsimula na raw paghandaan ni Archie ang planong pagpapakasal nilang dalawa ni Gee.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Ako, basta meron akong personal ko na ibinigay ko sa kanya, itatabi niya, for our savings. Sabi ko sa kanya, bibili kaming bahay and then we get married.”

Five months mo na siyang binibigyan ng pera?

“Hindi, nag-start yun two months na. Napag-usapan namin two months na.”

Next year pakakasal na kayo?

“Well, let’s see. God’s will why not, tignan natin.”

Muli naglahad ng kasiyahan si Archie sa pangalawang chance ng pag-iibigan nila ni Gee.

“Masaya. Masaya,” nakangiti niyang sambit.

“Parang bago. Parang honeymoon stage? Parang gano'n na mag-boyfriend-girlfriend, kapaan uli.

"Nandoon pa rin yung thrill kung ano yung gusto niya. May mga element of surprises."

Read Next
Read More Stories About
Archie Alemania, Gee Canlas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Archie Alemania serious about relationship with Gee Canlas: "Ang tanda ko na para magpa-tweetums pa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results