Sam Milby on being matched with Angelica Panganiban: "You'll never know. We have a good friendship right now."

IMAGE @samuelmilby on Instagram

Sam Milby is not yet ready to be in a new relationship: "There's a lot of things that I need to work for myself first."


Producer na rin si Sam Milby dahil sa itinayo nilang Bright Bulb Production kasama ang mga kaibigang sina John Prats at Angelica Panganiban.

Ang grupo nila ang naging co-producer sa Tagpuan concert ni Moira, at balak rin daw nilang mag-produce ng music videos at maging pelikula. 

“Balak din naming mag-produce ng movie. Sana later this year.  Balak din naming mag-produce ng indie movie,” pahayag ni Sam nang makausap namin sa presscon ng bago niyang pelikula, Ang Pambansang Third Wheel, sa Le Reve Pool and Events Place noong March 1.

Si John pa rin daw ang director at si Angelica ang magsusulat. Baka sina Sam at Angelica rin daw ang mga bida.

Hiniritan tuloy si Sam na baka silang dalawa ng dalaga ang magkatuluyan.

"I guess, you’ll never know,” natawang sagot niya.

"You’ll never know. We have a good friendship right now."

Magkaibigan lang daw talaga silang dalawa ngayon.

"We’re just friends. We just like to joke around na more than friends kami kapag nagkikita kami, pero we’re just friends," nakangiting sabi niya.

Pareho naman silang single ngayon kaya maraming nagbubuyo na maging sila, at nagsasabing bagay sila.

Isa na rito si John, na best man niya si Sam at best woman si Angelica sa kasal nito kay Isabel Oli noong May 2015. 

"I think I said it early, I’m not at the point na I’m ready to be in a relationship. After this last breakup, I realized that there’s a lot of things that I need to work for myself first.

"It may sound like an excuse to a lot of people, but that’s the truth. Maybe, a lot of things arise in relationship just because I need to work on myself first.

"I’m going spiritually. I don’t wanna sound too spiritual and preachy, but I’ve found a great church, and I’m very active and I’m joining the bible study.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m growing as a person. I’m really happy, and I know after this growth, kung sino man yung the right one, I’ll just know.”

Ang huling nakarelasyon ni Sam ay si Mari Jasmine.

MATCHMAKER. Samantala, nung nakausap ng PEP.ph si John, talagang diretsahan nitong sinabi na gusto niyang magkatuluyan ang mga kaibigan.

“Feeling nila na bagay kami,” nakangiting sabi niya.

Feeling niya ba, bagay nga sila ni Angelica?

“Ang hirap sabihin na oo at mahirap din sabihin na hindi. Yes, we get along well. We have a great friendship.”

Hindi naman siya nakararamdam ng pressure sa pagma-match sa kanilang dalawa ni John?

“Hindi naman,” natawa niyang sabi.

Nakikita ng mga tao ngayon kung paano ang mga “hugot” ni Angelica sa kanyang ex-boyfriend.

Hindi kaya natatakot lang din si Sam na kapag sila at nagkahiwalay, may mga hugot din ito sa kanya?

“A hindi, I wouldn’t be afraid of that,” saad niya.

“Everyone has their own hugot rin.”

Naiintindihan raw niya kung anuman ang mga “hugot” ni Angelica.

Ayon kay Sam, “Na-witness ko rin kung paano si Angelica sa relationship, e. Grabe siya. Sobrang giving siya.”

Gusto niya ng ganun sa babae?

“Well, I would appreciate—yeah, na walang duda na sobrang in-love. That’s a great feeling, e. She’s very giving, maalaga siya, trustworthy.”

PAST BREAKUP. Malinaw rin naman daw kay Sam kung bakit nagwakas ang relasyon nila ng dating girlfriend. Kahit na ang huli ang sinasabi niyang nag-initiate ng breakup.

November 2017 nung napabalitang hiwalay na ang dalawa.

 “It was clear kind of why which I’d rather not share. It was kind of a mutual thing, but she’s the one who initiated,” pag-amin niya.

 Inaasahan na niyang mangyayari yun sa kanila?

 “I didn’t expect it and, yun nga, I don’t wanna share so many details. Pero ang masasabi ko lang, she’s an amazing woman. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s amazing. She’s gorgeous. She’s more than a pretty face. She’s smart, intellectual. She’s inspiring.

“So that’s why, it’s also hard to move on and recover. She’s an amazing woman.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN