Inah de Belen refutes reports about alleged team-up with Alden Richards

IMAGE Instagram account of Inah De Belen

GMA-7 actress Inah de Belen says her alleged team-up with Alden Richards in a telefantaserye is not true.


Hindi totoong magiging magka-love team sina Alden Richards at Inah de Belen.

Ito ay ayon mismo sa Instagram story post ni Inah kahapon, March 3.

Nag-post si Inah ng screenshot ng isang Facebook article na nagbalitang siya ang bagong ka-love team ni Alden.

Paglinaw niya sa kanyang post, "Not true guys, hope that settles everything. [smile emoji]"


MORE CLARIFICATIONS. Ayon din sa report ng PEP Alerts na nailathala kanina, March 4, hindi rin totoo ang balitang magsasama si Inah at ang kanyang amang si John Estrada sa isang fantasy soap na kabibilangan ni Alden.

Ito ay ayon sa isang GMA executive na nakapalitan ng text message ng PEP Alerts reporter na si Gorgy Rula.

Nag-umpisang kumalat ang balitang si Alden at Inah ang magbibida sa upcoming GMA fantasy series na Mitho noong Wednesday, February 28.

Ayon pa sa report ng PEP Alerts, totoong magbibida si Alden sa isang fantasy-drama series, pero hinahanapan pa raw ito ng leading lady.


Sino ang next leading lady ni Alden Richards? Maine Mendoza o Inah de Belen o Jennylyn Mercado o KC Concepcion?
by posted on March 4, 2018 12:36 pm

GORGY RULA: Mariing itinatanggi ng nakaka-text naming executive ng GMA 7 na si Inah de Belen na raw ang napipisil na magiging leading lady ni Alden Richards sa drama series na pagbibidahan niya.

Huwag na raw sanang ikalat na si Inah ang napili at baka ma-bash pa ito nang bonggang-bongga.

Isang fantasy-drama nga raw ang gagawin ni Alden para sa GMA Telebabad, pero naghahanap pa nga raw sila ng magandang pang-leading lady ng Pambansang Bae.

Meron kayang magandang suggestion ang mga readers natin?

Dagdag pang tsikang narinig namin, baka magiging bahagi raw si John Estrada sa project na ito ni Alden. Pero itinanggi rin ito ng taga-GMA 7 na napagtanungan namin. “Hindi po totoo hehehe!” text lang sa akin.

Pero malay natin di ba? Kaya nga siguro lumutang ang pangalan ni Inah de Belen dahil sa posibleng pagsali ni John. Malay din natin. Baka nga lumipat na si John sa Kapuso network kung hindi nga nito ang naayos ang isyu niya sa The Good Son at sa ABS-CBN 2?

Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari, at kung ano ang latest sa nilulutong project ng GMA 7 para kay Alden.

JERRY OLEA: Mayo 26 last year nang magwakas ang teleseryeng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hanggang ngayon, wala pa ang sabi-sabi’y pelikulang pagtatambalan nila muli.

Lumutang na ire-remake ni Alden ang Pinoy adaptation ito ng Koreanobelang Descendants of the Sun.

Ngayon, fantaserye naman.

Naudlot ang pagtatambal nina Alden at Jennylyn Mercado sa TV series. Kailan kaya iyon itutuloy? Sino ba ang gusto ninyong katambal ni Alden sa bago niyang TV series—si Inah de Belen, si Jennylyn Mercado o si Maine Mendoza pa rin?

NOEL FERRER: Sinabi ko na kay Miss Annette Gozon at naglike naman si Tita Lilybeth Rasonable na gusto ni Ryan Agoncillo na maging kasama ni Alden sa bagong teleserye nito lalo pa’t natutuwa ang anak niyang si Yohan na magkasama ang kanyang ama at ang crush nito.

Nang minsan daw nagbreakfast si Alden sa bahay nina Ryan at Juday sa Alabang, ang cute ni Yohan na ang agang nagising para maging presentable siya sa Kuya Alden niya.

I will just venture on a suggestion, sana hindi masamain ng AlDub fans.

Kung hindi man matuloy sina Alden at Maine na magkasama sa iisang teleserye, how about pairing Alden with KC Concepcion na hindi naman busy at wala nang exclusive contract sa ABS-CBN?

Puwede ring pagsamahin sila ng daddy niyang si Gabby Concepcion na contract artist naman ng GMA. With this, lumalaki ang premium ng project, di ba?



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN