Aiko Melendez confirms she is now in a relationship: "I prayed for this."

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez confirms she is now in a relationship and says she prayed for it. 


In a relationship na ngayon si Aiko Melendez.

Ito ang kinumpirma ng 42-year-old dramatic actress sa kanyang comment sa sarili niyang Instagram post.

Nitong weekend, nag-post si Aiko ng larawan kasama ang nga anak niyang sina Andre at Marthena.

Si Andre ay anak ng aktres sa una niyang asawa na si Jomari Yllana.

Si Marthena naman ay anak niya sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

Sa comment section, isang netizen ang nagkomento na pareho sila ng kapalaran ng aktres.

Sabi pa ng netizen, masaya siyang makasama ang mga anak kesa sa asawa.

Sumagot si Aiko.

Aniya, darating din ang tamang panahon para sa kanila.

Banggit pa niya, “I am in a relationship now.

"Praying that he will be my life companion with my kids! I prayed for this."


Hindi naman tinukoy ng aktres ang pagkatao ng kanyang karelasyon ngayon.

November 2017 nang kumpirmahin ni Aiko na nakikipag-date siya sa isang pulitiko mula sa North.

Sinabi niya noong ini-enjoy nila ang company and friendship ng isat isa.

Paglalarawan pa ni Aiko sa pulitiko, “Mabait, nakakatawa, kaya hindi mahirap pakisamahan.”

Ilang beses na rin daw na-meet ng kanyang mga anak ang pulitiko.


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez admits to dating a politician from the North
Aiko Melendez admits to dating a politician from the North

Bukod sa mga dating asawang sina Jomari at Martin, naging boyfriend din ni Aiko ang pulitikong si Patrick Meneses.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN