Sharon Cuneta on TV interview about Gabby Concepcion: "Akala ko makakabuti. Hindi pala."

IMAGE Instagram @reallysharoncuneta

Sharon Cuneta on her TV interview about the breakup of her marriage and recently-rekindled friendship with Gabby Concepcion: "Aba may baligtad ang pagkaka-interpret. Nakakalungkot. Akala ko makakabuti. Hindi pala. Ang dami pang nangialam sa kabila. Nakakaloka. Akala ko pa naman matotouch siya. Aba mali ang akala ko. Nakakapanghinayang!"


Ikinagulat ni Sharon Cuneta, 52, ang diumano’y maling interpretasyon sa madamdaming pagbalik-tanaw niya sa nakaraan nila ng dating mister na si Gabby Concepcion, 53. 

Kaugnay ito ng panayam kay Sharon ng TV host na si Korina Sanchez sa ABS-CBN lifestyle show na Rated K, na umere kagabi, March 4.

Hindi direktang binanggit ni Sharon kung sino ang kanyang pinatatamaan.

Ngunit matapos umere ang kanyang TV interview, nagpahaging si Sharon na may mga taong minasama umano ang kanyang pagpapakatotoo.  

Base sa kanyang Instagram at Facebook posts kagabi, paunang pahayag ng Megastar:

“P.S. Akala ko ang ganda-ganda ng mga sinabi ko sa interview ni Korina sa akin. Aba may baligtad ang pagkaka-interpret.

“Nakakalungkot. Akala ko makakabuti. Hindi pala.

“Ang dami pang nangialam sa kabila. Nakakaloka.

“Akala ko pa naman mata-touch siya. Aba mali ang akala ko. Nakakapanghinayang!”

Tatlong linggo pa lang ang nakaraan mula nang umere ang viral TV ad nina Sharon at Gabby para sa isang fast food chain.

Ito ang nagbigay-daan upang magkatambal muli ang former reel-and-real-life sweethearts, 26 taon mula nang huli silang magkatrabaho sa 1992 film na Tayong Dalawa.

Ang nasabing TV ad din ang naging mitsa upang tuluyang magkaroon sina Sharon at Gabby ng “closure” sa sakit na dala ng kanilang hiwalayan noon at iba pang isyung kaakibat nito.


Stories We Are Tracking

Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
The most kilig reactions to Sharon-Gabby reunion
The most kilig reactions to Sharon-Gabby reunion

Ngunit tila nanganganib pang maunsiyami ang nanunumbalik pa lang nilang magandang samahan.

Base pa rin sa kanyang social media posts kagabi, patuloy ni Sharon:

“At nakakaloka. Miss Congeniality ang dating ko sa akala ko. Mali na naman.

“Bahala na si Lord. Basta alam Niya ang lahat ng gusto ko sabihin doon at galing sa puso ko.

“Walang masamang intensyon. Puro maganda. Natapon na naman.”

Naka-tag sa Instagram at Facebook posts ni Sharon si Gabby at anak nilang si KC Concepcion.

Kapansin-pansing naka-tag din ang Star Cinema bosses na sina Malou Santos at Olivia Lamasan, na kilala sa showbiz circles sa palayaw na “Inang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila may kinalaman ito sa lunch meeting nina Sharon at Gabby noong February 22.


Stories We Are Tracking

What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting
What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting

Himutok ni Sharon, “Pano ba dapat? Magka-amnesia ako para nganga na lang ako forever, walang naaalala?

"Ang ayos na ginulo pa. That’s not my problem na. @concepciongabby  @itskcconcepcion @nsyshows @angelsyang @malousantos03 @direk.olivialamasan 

“I TOLD YOU, INANG. Please, Inang...You know na what po di ba?”

I am sorry that I am emotional tonight. If there is one thing I am not, it is fake. And the things you can believe about me are that I am honest and real, still always trying to protect my children though, no matter how hard it may be. I don’t know if, learning over four decades to keep what I am truly feeling inside and letting either my laughter or the inevitable tears fall speak for me instead of saying what I wish I could, is something to celebrate or be sad about. Tao lang po. I am strong. Very strong. But sometimes we Wonder Women get tired too. I will pray hard tonight because that always works. Tomorrow is another day and I know it will be sunnier for me and those of you like me. God bless you and sleep tight. Thank you for loving and understanding me and my being only human after all. If you don’t, and you don’t like me, do you really think, especially at this point, that I am going to make that my problem? You know and see not even the whole tip of the iceberg. Just imagine that. I am, after all, still my Dad’s daughter. We keep and hide stuff like this well. I am sorry again, and thank you again with all my heart. Tomorrow will be a better day. It always is, praise God. Also, if you are thinking this is about Gabby alone, man you are so wrong. P.S. Akala ko ang ganda-ganda ng mga sinabi ko sa interview ni Korina sa akin. Aba may baligtad ang pagkaka-interpret. Nakakalungkot. Akala ko makakabuti. Hindi pala. Ang dami pang nangialam sa kabila. Nakakaloka. Akala ko pa naman matotouch siya. Aba mali ang akala ko. Nakakapanghinayang! At nakakaloka. Miss Congeniality ang dating ko sa akala ko. Mali na naman. Bahala na si Lord. Basta alam Niya ang lahat ng gusto ko sabihin doon at galing sa puso ko. Walang masamang intensyon. Puro maganda. Natapon na naman. Pano ba dapat? Magka-amnesia ako para nganga na lang ako forever walang naaalala? Ang ayos na ginulo pa. That’s not my problem na. @concepciongabby @itskcconcepcion @nsyshows @angelsyang @malousantos03 @direk.olivialamasan I TOLD YOU, INANG. Please, Inang...You know na what po di ba?

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

SHARON’S TV INTERVIEW. Sa Rated K episode kagabi, ibinahagi ni Sharon ang minsang pag-iibigan nila ni Gabby na itinuring niyang "first true love mo, 'tapos nawala.”

Inamin din niyang nagmarka nang husto ang hiwalayan nila noon ni Gabby maging sa mga sumunod niyang nakarelasyon.

Na sa kabila ng kanyang pagiging Megastar, "I’ve always felt I was never enough for any man since my first husband, so you know...

"I know how to channel lang my energies and every time I would come out lang on TV, I have a license to be happy.

"Alam mo kung puro puso noon, isip at puso naman 'wag puro puso."

Sa isang bahagi ng TV interview, naging emosyunal si Sharon nang biglang maalaala ang "happy" times nila ni Gabby nang magkatrabaho sila sa pelikulang Tayong Dalawa

Dito raw kasi na-realize ni Sharon na, "I could be friends with the father of my daughter." 

Ayon pa kay Sharon, ang magkahalong saya at pait ng nakaraan nila ni Gabby ang mas nagpaigting ng sayang dulot ng kanilang pagbabalik-tambalan sa isang TV ad kamakailan. 

Dahil dito ay nagkaayos at nanumbalik ang magandang komunikasyon sa pagitan nila ni Gabby.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby
Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby

GABBY’S QUOTE CARD. Ano ang pinanggalingan ng sinasabi ni Sharon na mali ang interpretasyon sa kanyang TV interview?

Tila may kinalaman ito sa Instagram post ni Gabby. 

Kagabi, March 4, ni-repost ni Gabby ang quote card na naunang ibinahagi ng kanyang Ika-6 Na Utos co-star na si Ryza Cenon.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nilalaman ng quote card: “Never forget every rejection, every insult, every time they judge you, every time they doubt, every stab in the back and every shade they throw.

“Forgive but don't forget. Let them feel better about themselves now because they'll remember everything they did when you finally make it.”

Kasabay nito ang caption ni Gabby na nagsasabing, “Posted by @iamryzacenon I believe you will make it anywhere. You have a good heart #goodvibes #goodheart #goodperson"

Isang netizen, na may Instagram handle na @princesskat_tee, ang nagkomento sa Instagram post ni Gabby.

Sabi ni @princesskat_tee, “mabuting tao ka kase papa Gab... ganda ng quote [thumbs up and clapping emojis] pasaboggg!!! [lovestruck emoji] salamat @iamryzacenon”

Sa hindi malinaw na dahilan, sinagot ni Sharon ang comment ng netizen sa Instagram post ni Gabby.   

Sabi ni Sharon, “@princesskat_tee pasabog? sa mga mganda kong sinabi sa pagpapahalaga sa anong meron kami noon? Yun ang dapat intindi n'yo sa lahat ng sinabi ko. Hindi baligtad. Thank you for the quote @iamryzacenon"

Dagdag ni Sharon, “P.S. wala po akong sinabing masama. Pinapahalagahan ko pa nga. Mali yata ang intindi ng iba.

"Anyway, history speaks for itself. And di ako ininterview para makipag-away. Mali-mali!”

At press time, burado na ang quote card ni Gabby sa Instagram account ng Kapuso actor.

Ngayong Lunes, March 5, nagbahagi si Sharon sa Instagram ng isang quote card na nagsasabing, "Don't underestimate me. I know more than I say, think more than I speak, & notice more than you realize." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN