Paolo Contis posts message of gratitude to Star Magic, Johnny Manahan

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis says he is "forever grateful" to Star Magic and its founder, Mr. Johnny Manahan. The Kapuso actor is featured in the recently launched Star Magic Coffee Table Book. Paolo is a former Star Magic talent.


Lubos ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Paolo Contis na mapabilang sa mga artistang tampok sa Star Magic Coffee Table Book.

Ito ay kaugnay ng 25th o silver anniversary ng talent management arm ng ABS-CBN.

Inilunsad ang nasabing libro sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound noong Linggo, March 4.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Paolo ng isang mensahe upang pasalamatan ang Star Magic at ang founder nitong si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. Mr.

Ayon sa 33-anyos na aktor, ikinararangal niyang mapabilang sa libro ng Star Magic.

Malaki rin daw ang pasasalamat niya kay Mr. M na siyang humubog sa kanya upang magtagal sa industriya.

Buong mensahe ni Paolo: “Proud to be part of the #StarMagicCoffeeTableBook.

"I will always be thankful to Star Magic, lalo na kay Mr. M dahil sa inyo ako nagsimula at natuto ng lahat ng dapat kong malaman para tumagal sa industriya!

"You trained me well Mr. M! And for that, I am forever grateful."

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Ang Star Magic ang nag-manage sa career ni Paolo ng higit sa isang dekada.

Nagsimula siya bilang child star noong 1990 at naging bahagi ng Star Magic Batch 3 noong 1993.

Si Paolo ay gumawa ng ilang pelikula, teleserye, at iba pang programa sa Kapamilya ntwork. 

Ilan sa mga nagmarka niyang proyekto sa bakuran ng ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Ang TV (1992-1996), Mara Clara (1992-1997), Oki Doki Doc (1993-2000), at Tabing Ilog (1999-2003).

Lumipat si Paolo sa GMA Network noong 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN